coco 13th gawad tanglaw

Isa na namang tropeyo ang natanggap ng Kapamilya leading man na si Coco Martin mula sa 13th Gawad Tagapuring Mga Akademisyan Ng Aninong Gumagalaw o mas kilala bilang Gawad TANGLAW. Ito na ang kanyang pampitong award since 2009 mula sa nasabing award-giving body. Tinanggap niya ang award na ‘Best Performance by an Actor for Ikaw Lamang’ (tied with Piolo Pascual for ‘Hawak Kamay’) noong ika-19 ng Pebrero, taong 2015 sa University of Perpetual Help-Dalta, Las Piñas City.

Hindi naman nakalimot ang Primetime King na pasalamatan ang ABS-CBN Management at mga tumulong sa kanya sa kanyang acceptance speech: “Unang-una gusto ko pong pasalamatan siyempre ang ABSCBN po. Si Sir Gabby Lopez, si Ma’am Charo, si Tita Cory, si Sir Deo at ang lahat po ng bumubuo ng Dreamscape. Nagpapasalamat din po ako sa lahat ng aming mga direktor, ang aking nanay, si Mommy Dags (Production Manger ng ‘Ikaw Lamang’). Ang lahat ng mga kasama kong artista dito at sa mga writers. Gusto kong magpasalamat sa inyo dahil alam po namin na kundi dahil sa inyo, sa pagmamahal niyo sa ‘min, sa pagtanggap niyo sa mga proyektong ginagawa namin, hindi namin magagawa ito ng tama at mapapaganda.” Nanalo din ang Ikaw Lamang for Best TV Series.

coco and julia 13th gawad tanglaw

Coco Martin with ‘Ikaw Lamang’ co-star, Julia Montes

ikaw lamang 13th gawad tanglaw

Director Manny Palo receiving the award for ‘Ikaw Lamang’ as Best TV series

Kasama naman sa mga natanggap ni Coco at nagpatunay sa kahusayan niya bilang actor na pang-telebisyon ay ang isang medalya at certificate. At, hindi rin niya nakalimutan ang mga fans na walang sawang sumusuporta sa kanya.. “Kaya sobrang nagpapasalamat po kami sa lahat ng pagmamahal at suportang binibigay niyo sa ‘min gabi-gabi. Thank you so much and God Bless po.”

Leave a comment