Hataw

MAKATAWAG-PANSIN ang post ng isa sa AdProm ng Dreamscape TV Productions ng ABS-CBN na si Eric John Salut ukol sa napanood nilang preview sa rough edit ng unang directorial job ni Coco Martin, ang Ang Panday na handog ng CCM Productions at isa sa entry sa 2017 Metro Manila Film Festival.

Ayon kay Salut, makapigil-hiningi ang mga action scene at tiyak na sasakit ang tiyan ng mga sinumang makakapanood nito dahil puno rin ng katatawanan ang ilang mga eksena.

Sa 80 artistang kasama sa Ang Panday, kahanga-hanga rin ang malinis na pagkakatahi ng istorya. Tunay na ginamit ng tinaguriang Primetime King ang kanyang puso sa pagdidirehe tulad ng sinabi niya noon sa mga interbyu sa kanya at sa mga kumukuwestiyon sa kakayahan niyang makapagdirehe.

Grabe rin ang kurot sa mga eksena na kahit rough edit pa nga lamang ang napanood nila ay dama agad ang journey at experience na gustong ipakita ni Coco sa kanyang pelikula.

Kaya ngayon pa lamang, masasabing isang mahusay nang director si Coco.

Tiyak na marami ang mag-aabang sa Ang Panday na talaga namang pinagbuhusan ng oras at pagod ni Coco.
Ngayon pa lang, binabati na namin si Coco for a job well done.

Leave a comment