Coco Martin & Julia Montes

Coco Martin & Julia Montes

Sa wakas, matapang na ring inamin ni Coco Martin sa harap ng madlang pipol ang tunay niyang nararamdaman para sa kanyang favorite leading lady na si Julia Montes.

Sa interview ng Aquino & Abunda Tonight sa Teleserye King, sinabi nitong ipinapakita naman niya kay Julia ang totoo niyang feelings, at naniniwala siya na nararamdaman ng dalaga kung ano ang laman ng puso niya.

“Sabi ko nga, di ko naman dinedenay, napakaespesyal niya para sa akin,” ani Coco. Hirit pa ng actor, “Sa trabaho, sa personal, honestly, compatible kami.

Pero ang sabi ko nga, ayoko ng hindi ako handa. Na parang papasok ako sa isang bagay tapos after that, maghihiwalay.”

Nang matanong kung nasabi na ba niya nang diretso kay Julia ang tunay niyang feelings, ang tugon ni Coco, “Hindi, pero alam ko naman na nararamdaman niya yun.”

Sa bagong serye ni Julia sa ABS-CBN na Doble Kara, hindi si Coco ang magiging partner ng dalaga, kundi si Edgar Allan Guzman.

At inamin ng aktres na tiyak na maninibago siya dahil nga nasanay na siyang si Coco ang kanyang leading man.

“Siguro kay Coco, talagang super-kampante ako and super-kumportable. Well, kasi siguro hindi ko maano na…iba talaga kasi si Coco ‘pag kasama.

At the same time, kapag kinakabahan ako, kapag siya yung kasama ko, parang ‘Ay, hindi kaya ‘yan…’ Kasi siya yung kaeksena ko, kaya ‘yan.”

Si Coco naman ay magiging busy sa taping ng bago niyang seryeng Ang Probinsiyano with Angeline Quinto and Bela Padilla, at sa MMFF entry nila ni Vice Ganda na “Beauty And The Bestie” na ididirek ni Wenn Deramas.

By Ervin Santiago
Bandera

Source: http://bandera.inquirer.net/97305/alam-kong-nararamdaman-niya-kung-ano-talaga-ang-feelings-ko

Leave a comment