Matapos ngang mabigyan ng pormal na libing si Ador, umuwi muna pansamantala sina Cardo at Onyok kasama sina Benny at Lola Flora sa Botolan, Zambales. Dito mas nabuo pa ang magandang samahan nina Cardo, Lola Flora, Benny, at Onyok. Makikita na unti-unting lumalambot ang puso ni Cardo dahil sa magandang pakikitungo at pagpapakita ng pagmamahal nina Lola Flora at Onyok sa kanya. Bukod naman sa pagiging “partners” nina Cardo at Onyok, tumatayo na rin na ‘ama-amahan’ ni Onyok si Cardo. Pormal na ipinagpaalam nina Cardo sa magulang ni Onyok si Onyok na aalagaan niya sa Maynila.

Bago sila bumalik sa Maynila, may tinapos munang misyon sina Cardo, Onyok at Benny. Napagkamalan pang ‘nuno sa punso’ si Onyok:

Naging nakakatuwa nga ang pagiging ‘partners’ ng tatlo pero pagbalik nila sa Maynila, mas may importanteng misyon na hinaharap si Cardo – ang paghahanap ng hustisya sa pagkamatay ng kapatid niya at ang pagbubuklod kina Lola Flora, Carmen, at Junior. Kaya naman si Onyok ay nagkaroon ng bagong partner at ito ay si Lola Kap kaya naman naging ‘Mini Kap’ na agad si Onyok:

#Repost @dreamscapeph "Si Onyok, bibigyan ng isang misyon. Abangan mamaya sa #FPJAPBwelta #ThankYouForTheLove "

A photo posted by Coco Martin PH (@cocomartin_ph) on

Maliban naman sa masayang samahan ng mag-lola kasama sina Benny at Onyok, ka-abang-abang ang ginagawang pagkuha ni Joaquin ng loob nina Carmen at Junior. Posible kasing mapalapit pa sina Carmen kina Joaquin at lalong maging masama ang loob kina Cardo at Lola Flora. Kaya naman, abangan ang mga susunod na hakbang ni Joaquin at kung paano ito mabibisto ni Cardo pati na rin ang katotohanan sa kung sino ang bumaril sa kakambal niyang si Ador.

Mga Kapamilya, maraming salamat po ulit sa buong linggong pagtutok sa FPJ’s Ang Probinsyano:

#ThankYouForTheLove

Leave a comment