Inanunsyo na kagabi ang ilan sa magiging cast ng Ang Panday 2017 na pagbibidahan at ididirehe ng nag-iisang Hari ng Pelikula at Telebisyon Coco Martin. Naganap ang star-studded at masayang storycon sa isang magandang venue sa Quezon City.

Ilan sa mga artista na mapapasama sa Metro Manila Film Festival entry Ang Panday ay sina Gloria Romero, Joonee Gamboa, Eddie Garcia, Michael de Mesa, Julio Diaz, Albert Martinez, Ron Martin, John Prats, Lester Llangsang, Michael Roy Jornales, John Medina, Mark Solis, Elisse Joson, McCoy de Leon, at Mariel de Leon.

Hindi rin makukumpleto ang Ang Panday kung wala ang mga tsikiting na si Simon “Onyok” Pineda, McNeal “Awra” Briguela, Paquito, Ligaya, Dang, at makakasama pa nila ang dalawang anghel na si Nayomi Ramos at Enzo Pelorejo.

Cast pa lang ay bigatin na ang Ang Panday. Puno ito ng mga dekalidad at mahuhusay na aktor at aktres kaya naman siguradong maganda ang kakalabasan ng pelikula.

Ayon sa kanila, ang sikat na likha ni Carlo J. Caparas ay ang dapat panoorin ng pamilyang Pilipino ngayong Metro Manila Film Festival sa darating na pasko dahil kumpleto ito.

“Maraming ingredients sa story, maraming nangyayari. Hindi kamukha ng iba,” sabi ng batikang actor na si Eddie Garcia.

“Kumpleto sa rekado yung pelikula. Sa cast pa lang meron kang bata, middle age, at older people. I’m sure it’s going to be a good movie,” sabi ni Jaime Fabregas.

Mas magiging maganda rin daw ang bagong Ang Panday kesa sa mga nakalipas dahil makakaasa tayong pagagandahin ni Coco ito.

“Bagay na bagay kay kuya Coco. Alam kong mabibigyan niya ng justice. Makikita natin lalo yung galing ni kuya Coco kung paano niya ipapakita ang Ang Panday,” sabi ni McCoy de Leon.

“Ang panibagong panday mas naiba siya. Kung talagang tagasubaybay ka ng Ang Panday, lahat ng mga Panday series na lumabas, burahin niyo lahat yun dahil itong Panday na ito ay bagong-bago,” sabi ni Michael de Mesa

1 comment

  • jocelyn caysip

    Sayang bkit wala c arjo atayde!

    Reply

Leave a comment