Hataw

HINDI pa namin napanood ang Meant to Beh, Haunted Forest, Siargao, at Gandarrapiddo The Revenger Squad kaya as of now ay masasabing puwedeng mag-number one ang Ang Panday ni Coco Martin dahil kompletos recados na ang pelikula na nakakuha ng rating na G o General Patronage sa MTRCB.

Pasok sa LGBT dahil kay Awra na sumali sa barangay beauty contest na Ms Mariposa, tadtad naman ng aksiyon na gustong-gusto ng mga kalalakihan with matching effects, at siyempre para sa millennials na paborito ang youngstars na sina Mcoy De Leon at Elisse Joson, para sa mga bagets na fans nina Dang, Paquito, Dexter, at Ligaya at higit sa lahat, sa oldies na kinalakihan na ang pelikula ni Fernando Poe, Jr. simula nuoong 1980’s.

Ang ganda ng black and white na simula ng Ang Panday na hindi namin nakilala ang dating Lizardo na ginampanan ni Arjo Atayde dahil hindi naman ito binabanggit ng aktor na kasama pala siya sa pelikula ni Coco.

Anyway, mortal talagang magkaaway sina Lizardo at Flavio dahil hanggang sa present time ay hindi nilulubayan ng una ang sinumang may dugong Panday sa pamilya ni Flavio.

Naipanganak ni Dimples Romana si Flavio lll (Coco) sa pamamagitan ng komadronang si Jacklyn Jose na gustong patayin naman ni Lizardo kasama ang mga alagad na tiktik pero hinarang sila ni Jeric Raval bilang si Flavio II at nagawang itakas naman.

Dinala ni Jacklyn sa simbahan ang sanggol na si Flavio III (Coco) at muntik pang hindi makapasok sa loob ng simbahan dahil inabutan sila ni Lizardo (Arjo) pero dumating si Jeric (Flavio II) na siyang nakipaglaban sa kampon ng demonyo kaya nakapasok na sa loob sina Jacklyn.

As expected napatay ni Lizardo (Arjo) si Flavio II (Jeric) at nangakong hindi niya tatantanan ang anak nito hanggang sa kabilang buhay nila.

Sa kasalukuyan ay pinalaking maayos at malapit sa Diyos si Flavio (Coco) ng lola nitong si Gloria Romero na nang tumanda at kasama ang lolong si Jaime Fabregas at ang mga alagang bata rin sa Ang Probinsyano.

Tama ang sabi ni Coco, iisang pamilya lang ang turingan nila sa Ang Probinsyano kaya isinama niya halos lahat sa Ang Pandayna may kanya-kanyang magagandang karakter.

Ang ganda ng Divisoria scene ni Coco na hinahabol siya ng mga nakaaway niya at ito ‘yung ikinuwento niya na huwag lilinisin ang daanan dahil gusto niyang makatotohanan.

Ang daming eksena sa Divisoria at hindi madali ito para sa cameraman na walang ginawa kundi sundan ang pagtakbo ni Coco habang nakikipagbanatan.

Aliw na aliw kami sa Hobbit House scene na kinabibilangan naman nina Onyok dahil masyadong makulay at benta tiyak sa mga bata ang fruit salad tree na sinabi ni Coco dahil sa rami ng prutas.

Ang ganda ng eksenang fantasy na Narnia inspired na nakaharap ni Coco sina Albert Martinez at Agot Isidro bilang hari at reyna na matatagpuan ang balaraw na ayon sa kanila ay marami ng sumubok kunin pero walang nagtagumpay.

Nakabibilib din ang acting ni Jake Cuenca bilang kasalukuyang Lizardo na ayon sa kanya ay binigyan laya siya ni direk Coco kung paano iaarte ang karakter niya bilang bagong kaaway ni Flavio III.

Hindi na namin bubuuin ang kuwento para naman may aabangan pa ang manonood at sinisigurado namin, masusulit ang ibabayad ng lahat sa Ang Panday na mapapanood na sa Disyembre 25 mula sa CMC Productions, Starcinema, at Viva Filmsna idinirehe ni Rodel Nacianceno.

1 comment

  • Ruth Quibic

    Ay sana lang may tag na spoilers sa title ‘tong article na ‘to… Na-spoil tuloy ako…

    Reply

Leave a comment