Inilabas na ng Metro Manila Film Festival Executive Committee ang unang apat na mga palabas na na makakasali sa MMFF 2017. Isa dito ay Ang Panday na pagbibidahan at ididirek ng Hari ng Pelikula Coco Martin, at mula sa produksyon ng CCM Production Inc.

Ito na ang pangatlong palabas ni Coco na nakapasok sa MMFF. Una ang Feng Shui 2 noong 2014 at Beauty and the Bestie noong 2015, na parehong tumabo sa takilya. Nanalo din siya ng Phenomenal Box Office Star Award para sa Beauty and the Bestie mula sa 47th Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Box Office Entertainment Awards.

Nakapasok ang apat na pelikula base sa bagong criteria ng MMFF Execomm na artistic excellence, commercial appeal, promotion of Filipino cultural and historical value, at global appeal, saad sa Facebook post ng Metro Manila Film Festival.

“The film entries this year were evaluated based on the following criteria: 40% artistic excellence; 40% commercial appeal; 10% promotion of Filipino cultural and historical values & 10% global appeal.”

Noong nakaraang linggo, bago ang unang shoot ng Ang Panday, binisita ni Coco at ng CCM Production team ang puntod ng orihinal na Ang Panday na si Da King Fernando Poe Jr. sa Manila North Cemetery upang magbigay respeto at humingi ng gabay dito.

Ang Panday, na nilikha ni Komiks King Carlo J. Caparas, ay ang unang palabas na ididirek ni Coco kaya naman marami na ang excited mapanuod ito sa darating na kapaskuhan.

Abangan nating lahat ang #AngPanday2017 ngayon #MMFF2017. #cocomartin

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph) on

Congratulations Coco Martin at CCM Production!

2 comments

  • Anjie barbiran

    ,,,cOngrAt’s pO my One Only idol Coco Martin…snA mAgpAtuloy pO Ang pAgshOshOwer ng mgA blesSings n gOd xAu…kyA k nya bnigyAn ng gAnyAn dhil npakAbuti niO pOng tAo..sinusuklian niA mgA ngAwA mO x family mo at mapasa ibang tAo mAn…xnA d k pO mAgbAgO at mAgsAwAng tumulOng x kApwa mu…At lagi qung pinAgpprAy n xnA pO bgyAn kpa n gOd ng nApAkAhAbAng pAnAhOn pRa mArAmi pA pO kAung mAtuLungAn…mArAmi pO nangAngAilAngAn xau…lalo nA pO x tAong kAtulad mu…gOdblesS u pO and ur Family…mOre pOwer…love u 4rever..😘😘😘😘😘😘😘

    Reply
  • Rodelyn Alamo

    Ang galing mo idol at least pasok ka ngayon sa MMFF. Congrats aabangan namin yan…

    Reply

Leave a comment