Kamakailan lang ng binalita namin na balik eskwela na sina Ligaya, Dang, at Paquito dahil mahal sila ng kanilang Kuya Coco. Ngunit hindi lang sila ang lab na lab ng Kuya Coco nila, pati na rin si Mcneal ‘Awra’ Briguela o Makmak sa FPJ’s Ang Probinsyano ay balik eskwela na rin!

Noong Biyernes ay excited na binisita ni Awra ang AMA University sa Project 8 sa Quezon City. Nakilala niya ang School Director ng AMA na si Ms. Cherryl Roxas at ang Principal ng St. Augustine International School na si Mr. Roel Ege.

“Pag artista ka hindi pwedeng magaling ka lang um-acting, kailangan matalino ka rin. Ang pag aartista hindi forever to. Hindi mo kailangan mangamba kasi meron magandang trabaho naghihintay sa ‘yo pag nakapagtapos ka na ng pag-aaral. Gusto kong mag-aral talaga.”

Si Awra ay hindi lamang scholar ng kanyang Kuya Coco ngayong taon kundi hanggang sa maging Senior High School siya. Kwento pa ni Awra na suportadong-suportado siya ng kanyang Kuya Coco.

“Maraming maraming salamat po sa opportunity na ibinigay niyo sa akin lalo na makapag-aral sa private school. Sana po marami pa kayong taong matulungan. Ang pag-aaral ay susi sa magandang kinabukasan.”

1 comment

  • Joy ( Cocojul Africa )

    Mr Coco ,the man with good heart..keep it up..I love you and will keep supporting..Team cocomartin_pH ,you guys are really doing a great job..you are so dedicated..I love your blog..keep it up..thanks

    Reply

Leave a comment