Sa press conference ng Star Cinema at Viva Films na Beauty and the Bestie sa ABS-CBN ELJ Building last Thursday, ibinida nina Direk Wenn Deramas, Coco Martin, Vice Ganda, atbp. ang MMFF 2015 movie nila na mapapanood na next next week.

Ikinumpara ni Direk Wenn ang paggawa ng Beauty and the Bestie sa thesis na kung ito daw ay thesis ay ramdam na ramdam niya na ang makakakuha niyang grado ay uno..

“Nung ginagawa ko to, parang thesis.. May kailangan kang patunayan, may kailangang ipasa. Parang feeling ko uno yung makukuha ko kung thesis ito.”

“Na-master na ng Star Cinema, ng Viva yung pampamilya, yung pampasko.. Pag wala kang pera, ito yung sulit na sulit. Matutuwa yung bibigyan mo. Matutuwa yung reregaluhan mo na manood ng sine.”

Na-kwento naman ng Idol ng Masa na si Coco Martin na kakaiba ang experience niya dito. Rom-com kasi ang You’re My Boss habang “full comedy” naman ang Beauty and the Bestie na napapasukan niya pa ng “action”.

“Ibang experience. First time kong makatrabaho si Direk Wenn. Sobrang saya. Alam niyo yung pwede ka pa lang magtrabaho na uuwi ka sa bahay na masaya.. Parang walang pressure. Iba rin pala yung comedy.”

“Mahirap ang comedy pero hindi ko kasi masyado dinibdib. In-enjoy ko siya. Nasusuportahan talaga ako ng magagaling na artistang kasama ko..”

“Sa guidance nila, everytime na sinusuportahan nila ako sa mga eksena, natutuwa ako kasi feeling ko nadedeliver ko ng maayos yung mga eksena.”

Nang tanungin and Idol ng Masa na si Coco Martin at ang Unkabogable Star na si Vice Ganda kung ano ang paborito nilang eksena sa pelikula ay iisa ang isinagot nila, ang “burak scene” (per Vice Ganda).

Ito daw ay yung eksena kung saan yung sinasakyan nilang kotse ay mahuhulog sa ilog na puno ng basura, at aakyat sila mula sa ilog na nababalot sila ng mga basura. Ang mga binitawan daw kasi nilang linya sa eksenang iyon ay ang kwento talaga ng pagkakaibigan nila (na dapat niyong abangan at panoorin!).

Pagpapaliwanag pa ni Vice Ganda na sa haba ng pagkakaibigan nila ni Coco Martin (na almost 15 years na), ay marami talagang eksena na napagdaanan na nila o mga linyang nasabi na nila sa sa isa’t-isa sa totoong buhay.

Ngayong pa lang din naman ay kine-claim na ni Vice Ganda na magiging number 1 ang movie nila ni Coco Martin sa 2015 Metro Manila Film Festival.

Mapapanood ang Beauty and the Bestie sa December 25, 2015.

Watch the official trailer and comment below:

Leave a comment