Pagkatapos ng malagim na nangyari kay baby Ricky, hindi pa rin makalimot ang kanyang ama na si Cardo Dalisay. Tila ba puno pa rin ng pangungulila at pagdadalamhati ang ama. Ng dahil dito ay napagdesisyonan niya na bumalik sa serbisyo kahit labag sa loob ito ni Alyanna at ni Lola Flora.

Nagtalo pa nga ang mag-asawa dahil ayaw na ayaw ni Alyanna na bumalik ang kanyang asawa sa serbisyo. Nag-aalala siya na baka hindi lang anak ang mawala sa kanya kundi pati asawa pa.

Ngunit payag man o hindi si Alyanna at lola Flora ay desidido na si Cardo na bumalik siya bilang Special Action Force officer (SAF) upang makuha niya ang hustisya, hindi lang para sa kanyang nawalang anak, ngunit para rin sa maraming namatayan.

Matatandaan na bago pumasok sa Criminal Investigation and Detection Group si Cardo ay nasa SAF siya.
Maraming Pilipino ang nalulungkot para kay Cardo ngunit naiintindihan nila ang pinagdadaanan nito at masaya rin sila na maglilingkod muli siya sa bayan.

Mamayang gabi, iiwanan na ni Cardo ang kanyang pamilya upang makapag-ensayo bilang SAF. At mukhang may mga bagong karakter na makikilala si Cardo bilang SAF, kung kalaban ba sila o kakampi ay hindi pa natin matiyak kaya dapat tutukan natin mamaya ang episode mamayang gabi.

Leave a comment