Philippine Star Ngayon

Nakatanggap ako ng message mula kay Coco Martin na nagpapasalamat dahil sa Instagram post (@akosilolitsolis) ko tungkol sa kanya.

Sinabi ni Coco na siya talaga ang nagpo-post sa kanyang Instagram at wala siyang administrator.

Nagpasalamat ako kay Coco dahil nila-like niya ang mga IG post ko.

Ang sabi ko, salamat kay Coco Martin na nagla-like sa mga post ko. Joke ko nga sa sobrang busy ni Coco at baka si Biboy Arboleda ang nagla-like pero si Coco o Biboy man, proud ako at thankful na pina-follow nila mga kagagahan ko.

Naaliw ako sa sagot ni Coco na “Nay ako po talaga ito si Coco.

“Sobra ako natutuwa pag nababasa ko ang mga kwento ninyo sa mga picture kc sobra po ako tagahanga ng iba’t ibang artista po lalo na nu’ng bata po ako.

Nay salamat po kc mabait po kayo sakin kahit isang beses lang po yata tayo nagkatagpo. Sana po ay lagi kayong mag ingat lalo na po ang inyong health,” ang sey ni Coco na isa sa mga aktor na love ko dahil kahit isang beses lang kami nag-meet, nababalitaan ang kabutihan at pagtulong niya sa mga kapwa artista na hindi active sa showbiz.

Blessing talaga si Coco dahil maraming artista ang nabibigyan niya ng trabaho. Mabuti na lang, extended hanggang sa 2018 ang Ang Probinsyano, ang teleserye ni Coco sa ABS-CBN dahil sure ako na madaragdagan pa ang mga artista na matutulungan niya.

Alam na alam ni Coco ang mga pinagdaraanan ng mga aktor at aktres na walang trabaho dahil matagal din bago nagbunga ang pagsisikap niya. Wish ko na lalong maging successful ang career ni Coco dahil sa rami ng kanyang mga natutulungan. Hindi siya maramot sa sharing ng mga blessing na natatanggap niya.

4 comments

  • Cristy

    Coco martin ikaw tlga ay may ginintuang. Puso.hndi k maramot at npakabait mo sa kapwa mo khit sa mga ordinaryong tao.npkamtulungin mo coco idol saludo ko sau.sana marami k pang matutulungan idol.we all live you

    Reply
  • may osomlet

    mabait tlga c idol coco,,,wlang katulad subrang mbait at my puso sa kapwa nya,,matulungin s lhat ng bagay,,,lalong lalo na sa mahihirap,,,super idol tlga kta coco martin,,i love u 4ever cocojuls,,,

    Reply
  • may osomlet

    mabait tlga c idol coco,,,wlang katulad subrang mbait at my puso sa kapwa nya,,matulungin s lhat ng bagay,,,lalong lalo na sa mahihirap,,,super idol tlga kta coco martin,,i love u 4ever cocojuls,,,

    Reply
  • Olivia M.Cruz

    Tuwang tuwa po ako nung naextend ang probinsyano…ayoko na pong gumala after work kc baka di ko mapanood hehehe…keep it up idol

    Reply

Leave a comment