Hataw

Kung pagbabasehan ang dami ng TV commercials ni Coco Martin na kasalukuyang umeere sa iba’t-ibang TV networks partikular na sa ABS-CBN ay walang duda na si Coco na ang bagong “Commercial King.” Magmula sa pagkain, gatas, food chain, TV gadget, sabong pampagwapo unibersidad, inuming panlalake ay sakop na lang ng Hari ng Telebisyon hindi pa kasama rito ang ilang niyang Print Ads. We heard, na this year ay marami pang naka-line up na endorsements si Coco ibig sabihin ay epektibo siyang endorser kaya’t kaliwa’t-kanan ang kumukuha sa serbisyo ng sikat na Kapamilya actor.

Leave a comment