Nagsimula na ang paghahanda ng pinaka-hihintay na palabas ngayong taon, Ang Panday, na pag-bibidahan at i-didirek ng nag-iisang Hari Ng Telebisyon at Pelikula Coco Martin. Ngunit bago ang lahat, binisita muna ni Coco ang original na panday na si Fernando Poe Jr. sa kanyang himlayan ngayong araw sa Manila North Cemetery.

Humingi ng basbas at patnubay ang Hari ng Telebisyon at Pelikula at ang production team ng Ang Panday sa Da King.

“@mr.cocomartin binisita ang himlayan ni FPJ ngayon para magpasalamat at humingi ng gabay at basbas sa kanyang unang araw ng shooting para sa Ang Panday. #CocoMartin #AngPanday2017 #HariNgPelikula”

Unang pagkakataon ni Coco maging direktor ng isang palabas ngunit marami na siyang karanasan dito dahil bukod sa pagiging bida, isa rin siya sa mga tagapayo ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Inihayag din ni Coco noong Enero na pangarap niyang gumawa ng pelikula kada Metro Manila Film Festival para sa mga bata.

“Sabi ko sa sarili ko, this year, gagawa ako ng pelikula para sa film festival. Yun ang pangarap ko. Basta every December, gagawa ako ng pelikula para sa mga bata. Honestly, gusto ko po talaga mag-direk. Nagpaalam po ako sa kanila na mayroon akong konsepto na ganito.”

Kaya tiyak na maraming Pamilyang Pilipino ang magiging masaya ngayong Metro Manila Film Festival.

2 comments

  • Salve tabon

    Ang galing mo talaga idol love..u

    Reply
  • nora sampayan

    goodluck sayo mr coco martin…sana magtagumpay ka sa lahat ng mithiin mo…huwag mo lng kalilimutang isanguni sa DIYOS NA MAPAGPALA…ang lahat ng ito…

    Reply

Leave a comment