Maraming sundalo ang napasaya ng Hari Ng Telebisyon Coco Martin at ng cast ng FPJ’s Ang Probinsyano nang pumunta sila sa AFP Medical Center noong August 3 upang mag-handog ng simpleng programa at tulong sa mga nagpapagaling na sundalo na galing sa mga conflict zones.

Napuno ng saya ang mga ito at parang nakalimutan ang mga problema nila dahil talagang ginalingan ng cast ang mga performances nila. Tulad na lang ng magic show ni Jeffrey Tam na nagpahagulgol sa mga sundalo, at sa dance number ni Jhong Hilario na nakakabilib at nakakaaliw din.

Ngunit ang tunay na inabangan talaga ng mga sundalo ay ang mismong idol nila na si Coco Martin o SPO2 Cardo Dalisay. Nang lumabas na siya upang kumanta ay tila ba naiba ang hangin sa auditorium. Ang mga paningin ng mga ito ay talagang nakatutok kay Coco. Napagalaman pa namin na mismong mga sundalo ang humiling na makita siya at ang cast ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Ayon sa ilang sundalo, nagsisilbi raw na magandang halimbawa si Cardo sa kanila dahil sa magandang ginagawa nito.

“Yung pinapakita ni Coco bilang Cardo, magandang halimbawa kung pano tayo lumaban ng patas at lumaban ng tama para sa kapwa natin,” sabi ni PFC Glenn Genova.

Tulad ng maraming Pilipino, gabi-gabi rin nanunuod ng FPJ’s Ang Probinsyano ang mga magigiting na sundalo kapag hindi sila abala sa mga tungkulin. Bilib sila sa pagsasabuhay at pagpapakita ng kanilang bawa’t laban.

Higit diyan, kumukuha sila kay Coco at sa programa ng lakas ng loob at nagsisilbi pa nga ito na inspirasyon para sa kanila.

“Kuhang-kuha po ni Cardo yung ginagawa namin. Kasi idol ko po yun eh. Lagi ko po yun sinusubaybayan gabi-gabi po,” saad ni Private Almond Ofalla.

“Nagbibigay siya ng magandang mensahe. Para sa aming sundalo, nagbibigay siya ng inspirasyon. Napapakita ng Ang Probinsyano ang iba’t-ibang mukha ng buhay, mga pinaglalaban prinsipyo ng bawa’t nilalang na bawa’t isa ay may karapatang ipakita kung ano ang kanyang nararamdaman at ika nga, ipaglaban ang kanyang prinsipyo,” dagdag ni AFP Public Affairs Office Col. Edgar Arevalo.

@mr.cocomartin binista ang mga sundalong nasa ward. #ABSCBNSaludo #CocoMartin #FPJsAngProbinsyano

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph) on

Leave a comment