Hataw

ISANG malaking factor kung bakit patuloy na tinatangkilik ng mga manonood at #1 show pa rin sa ABS-CBN Primetime Bida ang “FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco Martin na kasalukuyang nasa Book 2 na, kasi bukod sa ayaw bitawan si Coco ng kanyang millennial fans ay plus factor si dating senador Lito Lapid na nasa main cast sa bagong libro ng action drama series.

Ginagampanan ng dating senador ang karakter ni Romulo Dumaguit na lider ng mga rebelde sa Pulang Araw. Pagsamahin ba naman ang fans and supporters nila ni Coco siyempre waging-wagi ito sa televiewers lalong-lalo sa mga tumangkilik noon sa mga ginawang action movies ni Lapid na pawang naging blockbusters.

Sa latest episode ng AP, na nagharap na sina Cardo (Coco) at Romulo, humamig ang serye ng rating na 37.8% sa nationwide at 40.4% naman sa rural base sa latest survey ng Kantar Media.

Tiyak sa mga susunod pang episode ay lalo pang tataas ang ratings nito lalo’t parehong nawalan ng mahal sa buhay sina SAF Cardo (nawalan ng Ricky Boy) at Romulo na namatayan ng asawa na si Aurora (Mercedes Cabral) na nabaril ng isa sa SAF Commandos.

Pareho ang ipinaglalaban ng dalawa, ang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng anak at asawa
pero biktima sila ng maling sitwasyon na hindi sila ang totoong magkalaban.

Sa sobrang galit sa pagkamatay ni Aurora ay naghamon at nagbanta si Romulo sa SAF members lalo na kay SPO2 Cardo at Director Renato Hipolito ng National Defense, “Mata sa Mata, Ngipin sa Ngipin.” Naku, siguradong umaatikabong bakbakan ang magaganap sa magiging enkuwentro ng magkabilang grupo.

Napapanood ang FPJ’s Ang Probinsyano pagkatapos ng TV Patrol sa ABS-CBN-2.

Leave a comment