Noong Sabado ay nasa Cebu ang Hari Ng Telebisyon at Pelikula Coco Martin upang mag-pasaya ng mga Cebuanos sa isang event. Bukod pa dito ay nagkaroon siya ng meet and greet sa kanyang mga taga hanga dahil mahal na mahal niya ang mga ito. Ngunit ang naging highlight ng araw niya ay ng makilala niya si Jonard Aguasin at si Baby Anjeca.

Si Jonard ang lalaking naging viral sa social media kamakailan ng humingi ng tulong ang kanyang asawa na si Maricel Aguasin. Sa litratong pinost ni Maricel sa Facebook, makikitang nakaratay sa ospital si Jonard, dahil siya ay dumadanas ng enlarged at unstable heart, habang hawak-hawak ang fansign na nagsasabing gusto niyang makita si Coco.

To all my friends and relatives please help my husband Jonard Aguasin he wanted to see COCO MARTIN

Posted by Maricel Desabille Dawa Aguasin on Thursday, April 6, 2017

Wala na sa kritikal na kondisyon si Jonard ngunit kailangan niya magpaopera upang mapabuti na ang kanyang lagay. Sa ngayon ay patuloy ang pag-inom ni Jonard ng gamot habang naghihintay na maoperahan upang tuluyan na siyang gumaling.

Si Baby Anjeca naman ang anak ni Janice Virtucio na lumahok at nanalo sa Valentineโ€™s Contest ng Coco Martin PH ngayong taon. Sa kasamaang palad ay nagkaroon ng sakit na Severe Dehydration with Urinary Tract Infection si baby Anjeca kaya lumapit ang kanyang ina sa manager ni Coco na si Mother Biboy upang humingi ng tulong.

https://www.instagram.com/p/BUBry2wjeyzKdUig7VxvLUjeHNDmGfpilqlGk40/?taken-by=vjanicelucille

Agad na nalaman ni Coco ang kalagayan ni Jonard at Baby Anjeca, kaya naman noong Sabado ay sinorpresa niya ang dalawang pamilya pagkatapos ng kanyang show. Nag-magandang loob ang Front Office Manager ng Radisson Blu Hotel na si Ms. Ginalyn Puzon at pinagkalooban ang dalawang pamilya at si Coco ng isang function room kung saan sila nagkakilala at nagusap.

[Part 1 of 3] @mr.cocomartin sinorpresa ang mga tagahanga sa Cebu. #CocoMartin

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph) on

Hindi sila makapaniwala na mismong si Coco ang bumisita at nag-abot ng tulong sa kanila.

“Hindi po talaga namin ineexpect na makikita namin si Coco Martin sa personal. Sobrang nagpapasalamat po kami na siya mismo yung pumunta dito talaga upang makita kami,” sabi ni Janice.

[Part 2 of 3] @mr.cocomartin sinorpresa ang mga tagahanga sa Cebu. #CocoMartin

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph) on

Hindi mawala ang mga ngiti sa labi ng dalawang pamilya. Sobra ang pasasalamat nila sa ginawang tulong ni Coco.

โ€œAko ay nagpapasalamat kay Coco Martin. Isa lang po ang kahilingan ko na gabayan po kayo ng Panginoon at maging healthy kayo araw-araw at maging safe sa taping niyo po. Saludo po ako sa inyo na binigyan niyo kami ng time. At sa gamot na binigay niyo po sa akin, malaking tulong po talaga. Tatanawin po namin to na malaking utang na loob sa inyo po,โ€ saad ni Jonard.

[Part 3] @mr.cocomartin sinorpresa ang mga tagahanga sa Cebu. #CocoMartin

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph) on

4 comments

  • Anjie barbiran

    ,,,mArAming ThAnk yOu pO Sir Coco Martin s pagtuLong niO s knila..snA bigyAn pO kAu n gOd ng npAkAtAgAl n pAnAhOn n mAmuhAy d2 x mUndO prA mAs mArAmi pA pO kAung ma2lungAn gyA nla.at xnA d pO kAu mAgsAwAng gAwin un x kpwA ntin..nApAkAbuti niO pOng tAo kya alAm q pO n parAti kayOng pAgpAlain ng PANGINOON x lhAt ng ginAgwA mu at deserve niO un….mArAmi pa pOng nAngAngAilangan ng tuLong niO…gOdblesS pO and mOre POWER..love u….๐Ÿ˜˜๐Ÿ˜˜๐Ÿ˜˜

    Reply
  • Anjie barbiran

    ,,,I SALUTE U SIR.

    Reply
  • Rodelyn Alamo

    Talaga naman napabuti ng atin idol na si coco, wish ko na sana makita ko rin sya at makausap in person. God bless always..

    Reply
  • flor

    Aabangan ko talaga yan idol ๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š good po sa inyo๐Ÿ˜Š

    Reply

Leave a comment