Dalawang bagong awards ang nadagdag sa mahigit na 80 awards ng Hari Ng Telebisyon Coco Martin.

Pinarangalan siya ng Alta Media Icon Awards 2017, para sa ikalawang pagkakataon, ng isa na namang Best Actor for TV Award para sa pagganap niya ng Cardo Dalisay sa The number one show nationwide, FPJ’s Ang Probinsyano.

Ito na ang pang-apat na award niya mula sa Alta Media Icon Awards. Una siyang kinilala ng nasabing award-giving body para sa Ikaw Lamang at Feng Shui 2.

Kinilala din ang Hari Ng Pelikula bilang Male Endorser of Year ng COMGUILD Academe’s Choice Award. Ngayong taon ay lumabas siya sa maraming commercials at print ads ng mga kinikilalang brands.

Noong 2014, kinilala na rin siya ng nasabing award-giving body bilang Most Admired Male Endorser.

https://www.instagram.com/p/BY-bh6hHdIa/1

Nagpasalamat ang Hari ng Telebisyon sa Alta at COMGUILD sa kanyang Instagram account.

Salamat pong muli!!!😊😊😊

A post shared by Coco Martin (@mr.cocomartin) on

Maraming salamat po sa pag-mamahal at pag-titiwala!!!😍😍😍

A post shared by Coco Martin (@mr.cocomartin) on

Ang mga estudyante ng University of Perpetual Help ang bumuboto sa Alta Media Icon Awards, upang bigyan puri ang mga artista at shows na may malaking naambag sa Print, Broadcast, Film, Recording, Advertising and Social Media. Habang ang COMGUILD Academe’s Choice Awards ay binubuo ng iba’t- ibang estudyante at miyembro ng akademya mula sa maraming kolehiyo at unibersidad sa bansa.

Leave a comment