Muli na namang napatunayan ng Kapamilya Actor na si Coco Martin ang kanyang husay sa pag-arte ng makatanggap siya ng parangal mula sa PARAGALA: Holy Angel University’s Central Luzon Media Awards. Ang ‘paragala’ ay isang Kapampangang salita na ang ibig sabihin ay ‘token given for a service rendered.’ Layunin ng award-giving body na ito na makapagbigay parangal sa mga media personalities, shows and television stations in the field of journalism, broadcasting and entertainment.

Noong ika-21 ng Pebrero, taong 2015 sa Holy Angel University Theater (Pampanga), personal na tinanggap ni Coco Martin ang kanyang ‘Best Television Actor’ award para sa kanyang pagganap bilang Samuel/Gabriel sa isa sa pinakamatagumpay na Teleserye sa taong 2014, ang ‘Ikaw Lamang.’ Ito ang kanyang kauna-unahang tropeyo mula sa PARAGALA at ang kanyang ikatlong ‘Best Actor’ award para sa ‘Ikaw Lamang.’

cm best actor award for ikaw lamang (PMPC)

Coco Martin receives his BEST DRAMA ACTOR award from the 28th PMPC Star Awards for TV held last November 23, 2014 at the Solaire Resort and Casino Grand Ballroom, Parañaque City. 

coco 13th gawad tanglaw

Coco Martin receives his BEST PERFORMANCE BY AN ACTOR award from the 13th Gawad Tanglaw Awards held last February 19, 2015 at the University of Perpetual Help System DALTA, Las Piñas City.

coco paragala 2015
Coco Martin receives his BEST TELEVISION ACTOR award from the PARAGALA Central Luzon Media Awards held last February 21, 2015 at the Holy Angel University Theater, Angeles City, Pampanga.

Sa kanyang acceptance speech, nagbalik-tanaw ang Primetime King noong mga panahong gumagawa pa siya ng Indie Films at naiimbita siyang pumunta sa nasabing paaralan para magbahagi ng kanyang kaalaman at karanasan sa paggawa ng Indie Films.

Hindi naman nakalimot ang Dreamscape Star sa kanyang pinagmulan. Sa pagtatapos ng kanyang speech ay inalay niya ang kanyang award sa mga kapwa niya Cabalen: “…kalahati po ng pagkatao ko ay Kapampangan… Itong award na ‘to, dine-dedicate ko po sa Pampanga at sa lahat po ng aking mga Cabalen…

2 comments

  • Janice Flores

    Congratulation Coco! the best ka talaga sana ma meet din kita sa personal.

    Reply
  • jenny

    nice yah,.,.,yan ang dengdeng ng lahat . WALANG SAWAYNG ,, CONGRATULATION COCO,.,.,!!!! d lang pang loob pang labas pa,.,.

    Reply

Leave a comment