Last August 16, 2015, Coco Martin personally attended the FPJ’s Ang Probinsyano Digital Conference, with the friends from Digital Media and the bloggers, where he further shared interesting bits of information regarding his upcoming primetime teleserye, FPJ’s Ang Probinsyano.

Coco Martin 1

The Primetime King injected that after personal exchange of stories with the policemen and considering his beliefs when he was young, he wanted to change their ‘image’ and turn them positively. He stated, “Gusto namin maipakita yung ano ba yung iba pang katangian ng mga pulis. Kasi nung bata pa ako, pag sinabi mong pulis, hero yan eh. Pag may nangyayari..kung ano mang krimen o ano mang mga bagay na nagyayari sa kapaligiran natin, ang unang tinatawag natin, pulis eh. Hanggang sa humaba yung panahon na medyo pumangit yung imahe ng ating mga kapulisan. Gusto rin namin ipakita kung ano yung pinagdadaanan ng ating kapulisan bago sila magpulis. Gusto namin ipakita kung gaano sila kalinis, kung ano yung pinagdadaanan nila, kung gaano kahirap bago sila maging pulis.”

“Pag lalaki ka (bata), ang gusto mong laruan yung baril barilan. Honestly po na-imagine ko po na maging pulis noong bata ako. Dalawa nga lang po ang pinagarap kong trabaho.. ang maging cook tsaka maging pulis. Pero nalihis ako ng landas (laughs).”

When asked about his own definition of ‘Hero,’ Coco impressively answered “Yung taong handang ibigay ang kanyang sarili alang-alang sa kapakanan ng ibang tao. Diba yung handang i-sacrifice kung ano man ang meron siya para makapaglingkod sa ibang tao – ordinaryong tao man ito, artista man ito, o kahit na ano pang ginagampanan niya sa buhay.”

Going through the rigorous training and preparations for the soap, he shelled out, “Yung mismong traning namin (pinakamahirap). Kasi unang una, pisikal. Parang lumulusot ka talaga sa butas ng karayom.”

“Actually, nung shinoo-shoot namin yun hindi naman kami nire-require na magpakalbo pero nung nandun na kami.. siguro dahil masyado na kaming nadala nung mga character na ginagampanan namin. Nakakahiya na rin na parang sinimulan na natin, nahirapan na tayo, napagdaanan na natin, sagarin na natin. Kaya nga nandito tayo para ipakita natin sa mga manonood kung ano ba yung hirap na pinagdadananan ng mga nag-aaral bago magpulis..”

He also distinguished the characteristics of the roles that he play. “Nung binubuo yung karakter ni Ador, isa lang ang sinasabi nila sakin.. kung ano si Coco, that’s it. Kasi kilala ko yung.pagkatao ko eh. Yung Kardo, mas dun ako nag-adjust kasi kailangan ko siyang baliin eh..ano ba yung mga habits, ano ba yung mannerisms..”

“Kay Ador, kasi sabi ng management, wag ka na mag-isip..as is kung ano ka. Kung ano yung pagkakakaikilala mo sa pagkatao mo kaya mas nakarelate din ako sa kanya. Pero mas interesting ang buhay ni Kardo nag-cre-create ako ng character ko kung ano man yung kaya kong ilagay.”

Coco Martin 3

FPJ’s inluence on Coco. “Hinahangaan ko siya. Sa pagkakakilala ko sa kanya bilang artista at bilang tao. Nakilala ko si FPJ kay lola.. yung lola ko ang nag-introduce sakin ng mga Tagalog na pelikula. Dalawang tao ang hinahangaan ng lola ko.. si Nora Aunor at si FPJ. Everytime na may pelikula si Nora or FPJ, manonood kami.”

“Nung bata ako, ang tingin ko sa kanya, superhero. Siya ang aking tagapagligtas. Napakagandang impluwensya ang binigay sakin ni FPJ.”

“Iba si FPJ hindi mo siya kailangang gayahin. Sobrang ingat na ingat nga ako kasi nag-iisa lang ang hari ng pelikula.”

Coco Martin was also thankful for the blessings that he has been recieving since he entered the showbiz industry, “Sobra sobra po yung binigay Niya sakin. Ang hinihingi ko lang naman po ay normal na trabaho pero itong pinagkaloob niya sakin na talento at blessing na mayroon ako ngayon, sobra sobra po ito para sakin at para sa pamilya ko. Kaya ito yung tamang pagkakataon na i-share ko naman..”

“Hindi ko hinahangad na yumaman ng sobra o maging sobrang sikat, ang hinahangad ko lang na sana balang araw alam mo yung manatili man lang sana sa’yo na tumanda ka na mawala ka sa industriyang ito na may respeto ang mga ka-trabaho ko at mga manonood. Kasi para sa’kin, iyon na yung kayamanan eh. Yun na yung maiiwan ko sa pamilya ko, pangalan ko..”

Watch out for Coco Martin’s FPJ’s Ang Probinsyano this September 28, 2015!

Leave a comment