Sabik na pumasok sa eskwelahan nitong Lunes ang mga batang aktor ng the number one show in the Philippines, FPJ’s Ang Probinsyano, na sina Dhang, Paquito,at Ligaya.

😄😄😄

A post shared by Coco Martin (@mr.cocomartin) on

Matatandaan na sila ay iskolar ng kanilang kuya Coco Martin sa Angelicum College sa Quezon City. Paborito pa ngang subject ni Paquito at Ligaya ang Math habang Filipino ang paborito ni Dang.

https://www.instagram.com/p/BXMKFKeFY1ZD0muquZdg_JpzbiYuZoqRKLRhlM0/?taken-by=dang_ramos

Eksklusibong inihayag ng mga bata at ng kanilang magulang sa Coco Martin PH na naging masaya ang unang araw nila sa eskwelahan.

“Masaya po ang first day of school ko. Marami akong naging bagong kaibigan at marami po akong natutunan. Salamat Kuya Coco, I love you po,” saad ni Dang.

Dang in her first day of school…salamat po Kuya coco..mahal po nmin kau..

A post shared by Malou Ramos (@malou7752) on

Kwento pa ng ina ni Ligaya, na sobrang excited pumasok ang bata sa eskwela at talagang ginalingan nito para proud sa kanya ang Kuya Coco niya.

“ Sobrang na-miss niya daw yung school at excited din siya kasi new school. Unang pasok pa lang niya gusto na niyang sumagot. Tuwang-tuwa ang mga teachers,” sabi ni Rosemarie Ngujo, ina ni Ligaya.

Tulad ni Ligaya, excited din pumasok si Paquito sa eskwela. Sa katunayan gumising pa nga ng maaga ito at ayaw umuwi, kwento ng kanyang ina na si Mirasol Sagarino.

“Maaga nagising si Paquito dahil excited pumasok. Gusto pa magpaturo sa teacher kaso busy na at ayaw pang umuwi agad.”

Sa nakaraang panayam sa kanila ay nangako ang mga bata sa kanilang Kuya Coco na pagbubutihin nila ang kanilang pag-aaral.

Sa huli ay nagpasalamat lahat ang mga bata at ang kanila ina kay Coco dahil sa tulong na ginawa niya.

Matatandaan na-diskubre ni Coco si Ligaya at Paquito sa Cebu habang si Dang naman ay nag-audition sa ABS-CBN. Sabi ng tatlong ina, tunay daw na napabuti ang kanilang buhay simula ng madiskubre ang kanilang mga anak.

1 comment

  • Carmen

    Si Coco napakabait talaga kaya naman panay ang dating ng swerte….

    Reply

Leave a comment