Maraming Pamilya sa ating bansa ang walang sariling bahay dahil sa sobrang kahirapan habang ang iba naman ay mas malaki ang kinahaharap na pagsubok dahil sila ay may kapansanan. Sa katunayan noong 2010, mahigit kalahating milyong pamilya ang walang permanenteng tirahan.

Kaya naman maraming Non-Government Organization ang tumutulong sa kanila upang makabangon sa buhay, isa na nga dito ang Gawad Kalinga.

Ang Gawad Kalinga o GK ay naglalayong makatulong sa limang milyong Pilipino na makaahon sa kahirapan. Isa sa kanilang proyekto ang house building sa Brgy. Escopa III upang mabigyan ng sariling bahay ang mga taong walang permanenteng tirahan doon. Pati rin ang mga hindi nakakakita ay bibigyan din ng tyansa magkaroon ng sariling bahay. Ngunit ang magandang inisyatibo ng GK na naiiba ay ang mga proyektong matatanggap ng mga benepisyaryo ay dapat nilang paghirapan muna nila ito.

At ang kasangga ng Gawad Kalinga sa proyekto nilang ito ay walang iba kundi ang Pamilya ng FPJ’s Ang Probinsyano. Kaninang umaga ay nagtipon-tipon ang ilan sa mga cast at crew ng The Undisputed Number One Show in the Country na sina John Prats, Michael Roy Jornales, Marc Solis, John Medina, Lester Llangsang, Benj Manalo, at Ang Hari Ng Telebisyon Coco Martin. Kasama rin nila ang ilan sa bumubuo ng Dreamscape Entertainment.

@benj_manalo @johnmedina_official @marcsolis3 @mykroy @lesterllansang @iamjohnprats for #FPJAP100 #FPJAPCharityBuild

A post shared by Dreamscape PH (@dreamscapeph) on

Pinangunahan ng Movement Builder ng GK na si Miss Tracy Cruz at ng Community Organizer na si Mister Alexander Bubas ang naturang programa. Ipinakita nila kay Coco at sa FPJ’s Ang Probinsyano Family ang mga pamilyang tutulungan nila at ang mga proyekto nakalaan tulad nalang ng mga bahay.

@mr.cocomartin with team #FPJsAngProbinsyano briefing for #FPJAPCharityBuild #FPJAP100

A post shared by Dreamscape PH (@dreamscapeph) on

Saad ng isa sa volunteer doon ay dahil daw sa tulong na natanggap nila ay magiging posible na ang pagpapatayo ng hindi lang bahay kundi pati pangarap ng mga naninirahan doon.

😣😣😣

A post shared by Coco Martin (@mr.cocomartin) on

Pagkatapos ipakita ang mga bahay ay nagbigay ng maikling mensahe ang Hari ng Telebisyon sa mga recipient ng GK na hindi nakakakita. Nagkwento si Coco na dati ay nakakapunta na siya malapit sa Brgy. Escopa III noong nasa Kolehiyo pa siya at dito ay ikwinento niya, na tulad ng maraming Pilipino, ay simple lang ang naging buhay niya at dahil sa kanyang pamilya kung bakit siya nagsumikap sa buhay.

“Kagaya niyo rin po ako, lumaki rin po ako sa hirap pero pinilit ko pong magsumikap para maiahon ko po ang pamilya ko. Sana po lahat po tayo ganon kasi ang pinakamagandang nangyayari sa buhay natin ngayon ay nabigyan po tayo ng oportunidad. Alam ko naman po na lahat ng pamilya ay nagkakaroon ng pangarap na magkaroon ng sariling tahanan at ngayon po unti-unti nang natutupad ang ating pangarap dahil magkakaroon na po tayo ng ating sariling bahay at dahil po sa tulong niyong lahat. At sana marami pang Pilipino ang makakita nito para matulungan tayo, sana mabuksan po ang puso at isip nila para masuportahan ang mga ganitong magagandang proyekto,” saad niya.

Pagkatapos ng photo-op kasama ang mga cast ng FPJ’s Ang Probinsyano ay nagsimula na ang pagtulong nila sa pagpapatayo ng mga tahanan. Agad na naghalo ng semento si Cardo Dalisay kasama si SPO3 Jerome Girona. Habang ang ibang CIDG Boys ay busy magbuhat, magbistay, at magpintura. Sinamahan din sila ng mga ibang volunteer gumawa kaya tunay na nakakataba ito ng puso.

Ikinagulat ng mga volunteer ang galing ni Coco pagdating sa hard labor dahil mukha talaga siyang mayroon karanasan dito. Ang hindi alam ng marami ay naging janitor at construction worker si Coco dati.
At kahit pinapawisan at pagod sila ay patuloy ang ngiti sa kanilang mga labi dahil masaya sila na nakakatulong sila sa mga nangangailangan.

Salamat sa mga KAIBIGAN ko!!!😁😁😁

A post shared by Coco Martin (@mr.cocomartin) on

Team Promdi!!! Laban…😁😁😁

A post shared by Coco Martin (@mr.cocomartin) on

@benj_manalo @johnmedina_official @lesterllansang for #FPJAPCharityBuild #FPJAP100

A post shared by Dreamscape PH (@dreamscapeph) on

“Masaya kasi hindi bago sakin to eh. kasi nag trabaho ako sa Canada before bukod sa pag jajanitor talagang dumaan din ako sa pag-gawa ng bahay kasi wala akong mapasukang trabaho nun. Sinubukan kong magpintura, maglagare, helper sa mga contruction. And then yun nakakatuwa na experience ko ulit atsaka masarap sa pakiramdam na nakakatulong ka ng tao at kasama ko ang mga katrabaho at kaibigan ko sa Ang Probinsyano.”

Pagkatapos ng nagawang pag home building ay nagpaalam na ang pamilya ng FPJ’s Ang Probinsyano sa mga taga Gawad Kalinga sa Brgy. Escopa III. Malungkot ang mga residente ngunit sila ay napuno ng saya at naging inspirasyon sa kanila ito. Sana ay magawa na ang kanilang tahanan upang mapabuti na ang kanilang buhay.

Panoorin lahat ng kaganapan sa video below.

1 comment

  • PETER BEST

    KEEP ON THE GOOD WORK

    Reply

Leave a comment