Kahit halos dalawang taon na ang FPJ’s Ang Probinsyano ay nanatiling numero uno pa rin ito sa puso ng maraming Pilipino.

Sa nakaraang buwan ng Hulyo, Ang Probinsyano ay totoo ngang the undisputed number one show in the Philippines pagkatapos nito makuha ang top spot sa sampung ngangungunang palabas sa Pilipinas nang ito’y makatala ng average of 37.3 % rating sa national urban and rural homes, ayon sa report ng Kantar Media.

ABS-CBN pa rin ang pinakapinanood na network sa bansa noong Hulyo. Salamat, Kapamilya! #FPJAP #Wansapanataym

A post shared by Eric John Salut (@ericjohnsalut) on

Bukod pa diyan, umakyat pa ang ratings ng FPJ’s Ang Probinsyano sa nakaraang mga linggo dahil halos lagi itong nakakakuha ng 40% o mas malaki pa na ratings sa rural areas, ayon pa rin sa Kantar Media.

Hindi na nakakabigla ang report na ito dahil sa ganda ng naging takbo ng istorya ng FPJ’s Ang Probinsyano.

“Tao kasi yung nagsasabi na gusto pa nila at naniniwala pa sila sa programa. Ang hirap talikuran. Habang gusto pa kami ng tao, habang gusto pa nila ang kwento ikinikwento namin, nadito pa rin ang Ang Probinsyano,” saad ni Coco noong FPJ’s Ang Probinsyano Media Launch noong August 3.

Sa nakaraang Hulyo ay maraming naging pasabog ang palabas sa sambayanang Pilipino. Sinimulan ito ng pagkamatay ni Ricky Boy, ang anak ni Cardo Dalisay at Alyanna Arevalo-Dalisay, nang bombahin ng mga rebelde ang mall na pinuntahan niya kasama ang ina. Nabalot si Cardo ng kakaibang galit at kalungkutan na nag-udyok sa kanyang bumalik sa serbisyo sa pamamagitan ng pagsali sa Special Armed Forces (SAF) na tumutugis ng rebelde. Sa mga nalalabing araw ng Hulyo, ay mas lalo pang tumindi ang bawa’t gabi ng mga mamayang Pilipino. Noong nakaraang, linggo ay nasaksihan ang naging madugong labanan kung saan natalo ang pwersa ng SAF at marami sa kanila ang namatay, habang ang ilan ay dinukot at labis na pinahirapan. Samantala, si Cardo ay nakaligtas at nakasali pa nga sa mga rebelde dahil gusto niyang malaman ang hangarin ng Pulang Araw at makakuha ng hustisya.

Paniwala rin ng Hari Ng Telebisyon, Coco Martin, na patuloy lang ang pagkapit ng mga Pilipino sa FPJ’s Ang Probinsyano dahil ito ay sumasalamin sa buhay ng ordinaryong Pilipino. Samantala, sa tinging ng Dreamscape Head, Mr. Deo Endrinal, na ang pagbabalik ng aksyon ang rason ng malakas na ratings ng he undisputed number one show in the Philippines.

At sa buwan ng Agosto, kasabay ng pagpasok nila Aljur Abrenica at Jestoni Alarcon, ay marami pa ang aabangan ng masa dahil sa mga bagong pangyayari sa istorya ng Ang Probinsyano na tiyak ay hindi aasahan ng marami.

“Sa pagkamatay sa kwento ni Ricky Boy doon pa lang po nagsisimula ang kwento. Yun pa lang po ang second chapter namin. Kumbaga everytime nagkwekwento kami, nagtatanim po muna kami… Ngayon, eto na po, papunta na po kami sa totoong kwento namin kaya maraming character na bagong dumadating. At siyempre po, habang nagtatagal mas lalo pang exciting yung mga eksenang ginagawa namin,” sabi ni Coco.

Marami pa ang dapat abangan sa FPJ's Ang Probinsyano! #FPJAP100 #FPJsAngProbinsyano #CocoMartin #HariNgTelebisyon

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph) on

Leave a comment