Opisyal ng 100 weeks na umeere ang FPJ’s Ang Probinsyano at hanggang ngayon ang ganda pa rin ng mga episodes at patuloy pa rin itong pinapanuod ng mas nakakaraming Pilipino. Mas lalo pa nga itong lumakas dahil sa pasabog nito tulad na lang ng pagpanggap ni Cardo bilang Fernan upang makasali siya sa mga rebelde at sa pagpasok ni Miguel at Javier na bagong kakalabanin ni Cardo.

Ayon sa ratings ng Kantar Media, nakakuha ng 39.8 % at 44.4 % sa nationwide at rural area ang The number one undisputed show in the Philippines noong August 14, kung saan pinatay ng rebelde ang karakter ni Ron Morales, laban sa pilot episode ng Alyas Robin Hood na nakakuha lang ng 18.9% at 16.8% mula sa nationwide at rural area.

Noong August 15 naman ay mas lalo pang niyanig ng FPJ’s Ang Probinsyano ang mga manunuod nito ng nagkaroon ng harapan ang mga rebelde kasama si Cardo laban sa mga sundalo. Nagtala ng 40.4% Nationwide rating at 44.9 % Rural area ratings ang FPJAP laban sa 16.9% at 15.2% ng ARH, ayon sa Kantar Media.

Noong August 16 ay ganun pa rin ang istorya – mas mataas pa rin ang ratings ng Ang Probinsyano. Sa Nationwide area ay nakakuha ito ng 36.7% habang sa Rural area ay 41.6% laban sa 17.5% at 17.7% ng Alyas Robin Hood. Nagpatuloy pa ito hanggang August 17, 36.7% at 41.6% ang nakuha ng FPJAP sa Nationwide at Rural Area, at 17.5% at 17.7% ang nakuha ng ARH.

Ngunit ang tunay na nakakamangha ay pati sa AGB Nielsen ay natalo pa rin ng FPJ’s Ang Probinsyano ang Alyas Robin Hood.

Matatandaang nagbabase ang Kapamilya Network sa Kantar habang ang kalabang istasyon ay nagbabase sa AGB Nielsen.

Ayon sa AGB Nielsen, 11.8% (Lunes) at 11.9% (Martes) ang nakuha ng FPJAP habang 10.7% (Lunes) at 10.4% (Martes) ang sa Alyas Robin Hood.

Ang Kantar Media ay kumukuha ng datos mula sa 2,610 urban at rural homes na kumakatawan sa lahat ng manonood ng bansa. Ang AGB Nielsen naman ay nagbabase lamang sa 2,000 urban homes

At siguradong mas gaganda pa ang mga mangyayari sa FPJ’s Ang Probinsyano dahil sa bagong istorya nito kaya wag bibitiw at laging manood nito mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng TV Patrol.

Leave a comment