Mas lalo pang umiinit ang mga pangyayari sa FPJ’s Ang Probinsyano. Sa bagong istorya ng the number one undisputed show in the Philippines, naisip naman ng mga creative heads na talakayin ang isa na namang napapanahong issue na illegal mining.

Sa kunwaring pagsanib ni Cardo Dalisay (Coco Martin) sa Pulang Araw, bigla nilang hinarap ang pwersa ng grupo ng illegal miners na pinamumunuan ni Miguel Enriquez (Aljur Abrenica) at ang kanyang ama na si Javier Enriquez (Jestoni Alarcon).

Dahil sa naging mainit na laban matapos ulanan ng bala ang mga rebelde, naisipan gantihan ni Alakdan (Jhong Hilario) ang mga illegal miners na malakas din ang pwersa. At ngayon, si Cardo ay naiipit kung tutulungan niya ba ang mga taong kalaban niya o tatalikuran ang pagsugpo sa mga kriminal na minero. At hindi lang yan ang problema niya dahil marami ang walang tiwala sa kanya tulad na lang ni Alakdan at Anton.

Ngunit san nga ba nakuha ng FPJ’s Ang Probinsyano ang bagong istorya nila?

Sa kwento ng Hari Ng Telebisyon noong media launch ng Ang Probinsyano pagkatapos nito umere ng 100 na linggo, si Jestoni mismo ang nakaisip nito. Binahagi ng batikang aktor ang kanyang maganda ideya kay Dennis Padilla na pinarating kay Coco at ito’y nagustuhan niya dahil ito ay problemang kinahaharap ng buong bansa.

Kaya paano kaya lulutasin ni Cardo ang illegal mining na problema at ano kaya ang gagawin niya sa puder ng mga rebelde? Abangan ang mga hakbang na gagawin ni Cardo sa mas lalo pang gumaganda na FPJ’s Ang Probinsyano pagkatapos ng TV Patrol.

Leave a comment