Sobrang nakaka-aliw ang storya at mga eksena sa FPJ’s Ang Probinsyano noong nakaraang linggo. Nagsimula na kasing pumasok si Onyok sa isang private school kung saan ang mga kaklase niya ay mga ‘susyal’ at ‘inglisero’t inglisera’. Tuwang tuwa nga sina Lola Flora, Cardo, Benny, atbp. dahil sa pagpasok ni Onyok sa eskwelahan (at may pabaon pang ‘sweet potato!’ si Lola Flora).

Medyo nag-‘struggle’ nga lang sina Cardo at Onyok sa pakikipag-usap sa mga bagong karakter sa eskwelahan. Kabilang na dito ang guro ni Onyok na ginagampanan ni Carla Humphries. Lumabas agad-agad ang pagiging ‘chickboy’ ni Cardo dahil hindi niya pinalampas ang oportunidad para magpa-‘pogi’ sa nasabing guro.

#Repost @dreamscapeph "May mga bagong makikilala si Cardo at Onyok. Abangan mamaya sa #FPJAPKutob "

A photo posted by Coco Martin PH (@cocomartin_ph) on

“Just call me Cards” – Cardo

Ngunit sa unang araw pa lang ni Onyok sa eskwelahan ay medyo hindi na naging maganda ang mga pangyayari:

Tutok na tutok naman ang mga manonood at netizens sa First Day High ni Onyok:

Tweets

Tweets2

Hindi lang si Onyok ang nahirapan dahil pati ang Kuya Cardo niya ay tila nag-iisa sa pagpupursigi pang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Ador. Abangan ngayong linggo kung madidiskubre ba niyang buhay si Diego at mapipiga pa ang nasabing kontrabida sa katotohanan ukol sa tunay na bumaril kay Ador. Pasabog din ang pagdating ni Mr. Tang (Richard Yap) sa Maynila na tila nagpakaba kina Tomas at Joaquin.

#Repost @dreamscapeph "Paniniwalain sa isang kasinungalingan. Abangan mamaya sa #FPJAPAkala "

A photo posted by Coco Martin PH (@cocomartin_ph) on

Muli, nagpapasalamat ang buong FPJ’s Ang Probinsyano cast and staff sa walang sawang pagtutok, panonood at pagsuporta sa Pambansang Teleserye ng mga Pinoy! #ThankYouForTheLove

#Repost @dreamscapeph " #ThankYouForTheLove! #FPJAPResulta mamaya pagkatapos ng TV Patrol."

A photo posted by Coco Martin PH (@cocomartin_ph) on

Leave a comment