Journal

ISA na marahil ang pelikulang Ang Panday na pinagbibidahan, directed and produced by Coco Martin (CCM Productions) sa may pinamaraming cast sa kasaysayan ng Metro Manila Film Festival.

Base sa huling balitang nasagap namin, humigit-kumulang sa 80 artista ang pumayag na lumabas sa Ang Panday. Ang tindi naman, huh!
    
And take note, posible raw na madagdagan pa ito dahil may mga kinakausap pa si Coco including a beauty queen na gusto rin niyang isama sa pelikula bukod kay Mariel de Leon na leading lady niya.
    
Hindi tuloy namin ma-imagine kung ano ang magiging itsura ng festival float ng Ang Panday kung ang main cast at ang ibang supporting cast ay sa-sakay lahat sa float. Tiyak na magiging crowded ito, huh! Makatakbo pa kaya ang float?
    
Anyway, ayon naman sa kuwento ni Coco, almost 50 percent na ng Ang Panday ang natatapos. Pero siyempre, may mga special effects pang kaila-ngang ilagay sa ilang mga eksena sa pelikula and it will take weeks pa rin bago matapos.
    
“Excited ako sa magi-ging reaksyon ng mga tao kapag natapos na ang pelikula. Sana ay magustuhan nila ang pinaghihirapan namin. Para rin naman ito sa kanila,” sey pa ng binata.
    
Sabi pa ni Coco, everytime na nakikita niyang rumorolyo ang kamera, natatapos ang kada eksenang idinidirek niya, ay nawawala ang kanyang pagod.
    
Hindi rin itinanggi ng actor at newbie director na kinakausap niya ang mga kaibigang direktor para humingi ng tulong particular na si Direk Brillante Mendoza na isa sa naging mentor niya noon sa indie films.
    
“Nagtatawagan kami. Humihingi ako ng advice sa kanya kung paano pa mas mapapaganda ang pelikula namin,” sey pa niya.

Ilan sa mga artistang kasama sa Ang Panday ay sina Jake Cuenca, Eddie Garcia, Albert Martinez, Gloria Romero, John Prats, Awra, McCoy de Leon, Ellise Joson at maraming-marami pang iba.
    
Official entry ang pelikula sa 2017 MMFF na magsisimula sa Pasko, Dec. 25.

1 comment

  • Salva Reyes

    Congrats! coco..stay kind and humble…love to see you in person..thats my big wish.

    Reply

Leave a comment