Nanalo ang Idol ng Masa na si Coco Martin sa kauna-unahang ALTA Media Icon Awards ng University of Perpetual Help DALTA. Binoto at pinili siya ng mga college students ng University of Perpetual Help – Las Pinas – ang may pinakamaraming estudyante sa kolehiyo sa mga Perpetual DALTA campuses.

12380609_10206590457733298_989637186_n

Kaya naman, nakamit niya ang mga parangal na ‘Best Actor for TV (Drama Role)‘ for his performance in Ikaw Lamang, at ‘Best Actor for Film‘ for his performance in Feng Shui 2.

Dahil dito at sa mga iba pang mga parangal na natanggap ni Coco Martin, nagiging icon na rin ng kabataan ang Idol ng Masa. Mas nagiging kaabang-abang pa ang nalalapit na ‘pampamilya’ at ‘pambarkada’ na Metro Manila Film Festival movie nila ng Unkabogable Star, Vice Ganda, na Beauty and the Bestie (sa December 25, 2015 na!).

At nagiging kapanapanabik din naman ang pagganap ng Idol ng Masa sa top-rating Primetime Teleserye na FPJ’s Ang Probinsyano dahil sa misyon ni Cardo (ginagampanan ni Coco) na hulihin ang ‘Salisi Gang’.

Per the http://perpetualdalta.edu.ph/community/blog/, the ALTA Media Icon Awards rcognizes outstanding individuals, programs, and entities in the field of mass media.

Leave a comment