Lubos ang paghanga nina Direk Wenn Deramas, Vice Ganda, at iba pang cast ng MMFF 2015 Star Cinema and Viva Films’ movie nina Coco Martin at Vice Ganda na Beauty and the Bestie sa “Idol ng Masa” na si Coco Martin.

Na-bilib kasi sila kung gaano ka-passionate, dedicated at talented ang Primetime King.

Nai-share pa nga ni Direk Wenn Deramas ang paghanga niya kay Coco Martin sa Beauty and the Bestie press conference kahapon.

“Napaka-passionate.. mapa-drama, mapa-comedy, mapa-action.. yung nagugulat ako kasi sanay kami nito (Vice Ganda) na barubalan. Tapos ang serious niyang (Coco Martin) ginagawa ang mga bagay bagay.”

“Ang galing. Tatagal to. Yung matagal na matagal. Yung mas matanda pa kay Eddie Garcia. Yung mga 200 years..”

Direk Wenn even commented that the Idol ng Masa is a diamond in the rough. “Sobrang naka-experience ako ng aktor na sobrang gustong gustong gusto yung ginagawa niya..”

Kahit si Vice Ganda, na matagal ng kaibigan ni Coco Martin, ay na-impress ng makatrabaho ang Idol ng Masa sa pelikulang ito.

“Siya ang pinakamagaling na aktor ngayon. Hindi ako magdadalawang isip at mag-iisip pa. Agad-agad! Siya ang pinakamagaling na aktor ngayon sa Pilipinas.”

“At proud na proud ako na ang pinakamagaling na artista ngayon sa Pilipinas ay bestfriend ko. Magaling talaga. Yung passion, yung dedication, yung talent..pinagsama-sama. Yung disiplina, lahat..”

“Dati, akala ko mas marunong ako kay Coco eh. Tapos na-realize ko, mas matalino sa akin tong si Coco. Meron akong natutunan sa kanya.. At gumagaling pa lalo si Coco.”

Ito ang unang opisyal na pagsasama nina Coco Martin at Vice Ganda sa isang malaking pelikula kaya naman lalo nilang mas nakilala pa ang isa’t-isa. Nakwento pa nga ng Unkabogable Star na may malaki siyang natutunan mula sa Idol ng Masa. Nabanggit kasi ni Vice na nalulungkot siya at isang enlightenment ang nakuha niya mula kay Coco.

Per Vice, Coco enlightened him. “Ikaw kasi ang dami mong gustong pagkuhanan ng saya. Ako kasi kaya hindi ako nalulungkot, itinanim ko na sa utak ko, ikinundisyon ko na yung sarili ko na itong pag-aartista ko, itong pagtratrabaho ko, ito ang makakapagpasaya sa akin. Kaya tuwing darating ako sa trabaho kahit pagod ako, masaya ako. Kasi alam ko sa puso ko na ito yung gusto kong gawin. Maliban sa pamilya ko, ito lang yung gusto kong gawin. At ito lang ang makakapagpasaya sa’kin. Kaya hindi ako nalulungkot.”

Dagdag naman nina MC at Lassy na magaang katrabaho ang Beauty and the Bestie Male Lead at madali pa nilang nakagaanan ng loob na biro pa nga ni Lassy ay “pwede na niyang ma-utanagan.”

Mapapanood ang Beauty and the Bestie sa December 25, 2015.

Watch the official trailer and comment below:

Leave a comment