Napagalaman na ni Cardo Dalisay (Coco Martin) na buhay pa ang ilan sa kasamahan niya na sina SPO2 Geraldo “Gerry” dela Paz at PO3 Katrina “Kat” Velas at bihag-bihag ng masamang grupo ni Homer “Alakdan” Adlawan. Matagal na ngang tinotorture nila Homer at Gagamba (Ron Martin) sila Gerry at Kat, pinatay pa nga nila si SPO2 Bernardo “Bernie” Quinto (Ron Morales).

At baka sumunod na nga ang dalawa, buti na lang ay nakatakas si Kat matapos siyang pagtangkaan ng isa sa mga masamang rebelde. Muntikan na siyang makarating sa mga Pulang Araw upang magsumbong ngunit sa kasamaang palad ay nahuli pa rin siya ni Homer. Gayunpaman, ay napuno ng pagasa ang dalawang sundalo na maliligtas sila ni Dalisay.

Ayon nga sa teaser ng the number one undisputed show nationwide ay susubukang iligtas ni Cardo ang mga kanyang kasamahan ngunit agad silang matatagpuan nila Homer. Papaulanan sila ng mga bala at bomba, makakaligtas ba sila? Abangan yan at marami pa sa FPJ’s Ang Probinsyano mamayang gabi pagkatapos ng TV Patrol.

Leave a comment