Marami ang nagulat at nasiyahan kagabi ng inanunsyo na si Bb. Pilipinas Miss International 2017 Mariel de Leon ang magiging leading lady ng Hari ng Pelikula Coco Martin sa Ang Panday.

Si Mariel ay ang anak ng batikang aktor na si Christopher de Leon at Sandy Andolong. Siya rin ang pambato ng bansa sa darating na Miss International 2017 sa Nobyembre.

Kagabi ay nagkaroon kami ng ekslusibong interview kay Mariel. Aniya, napasigaw daw siya ng malaman niya na parte siya ng Ang Panday at excited na daw siya sa mararanasan niya sa pelikula.

“I’m super, super excited about it and I still can’t believe it na I’m part of something this big. I really can’t absorb it yet so I’m excited to go through this experience.”

Gusto-gusto na rin ni Mariel na makasama si Coco dahil hanga siya sa aktor.

“He’s really passionate and he loves what he does so I want to learn from him. And I wanna see how he is not only as a co-actor but also a director.”

Inamin din ng magandang dalaga na crush niya si Coco.

“He was one of my celebrity crushes before,” aniya.

Bilib din si Mariel na magiging maganda ang Ang Panday dahil si Coco ang direktor nito at mahal niya ang ginagawa niya.

“Since the passion is there, he’s gonna do such an amazing job.”

2 comments

  • Olivia.mendoza

    Swerte mo naman po super big break po yan…aabangan ko po ang palabas na yan…Congrats sa lahat ng bubuo ng pelikula ng Ang Panday

    Reply
  • Nora Untal

    COCO YOU BEEN BLESS YOU HAVE ALL VETERANS ACTORS AND ACTRESSES BEHIND YOU NO ONE DOUBTS ON THE CAST OF PANDAY THEY ARE AWARD WINNING ACTORS.GOOD LUCK TO YOU AS DIRECTOR/PRODUCERSAND MORE PROJECT YOUR BEEN BLESS IN RETUR OF YOU KINDNES GOD BLESS😀😎😀

    Reply

Leave a comment