Batid ni Coco Martin ang importansya ng edukasyon sa bawat buhay ng isang Pilipino lalo na ng isang bata dahil ang edukasyon ang magiging susi sa kanilang kinabukasan. Kaya naman nitong nakaraan ibinahagi niya ang mga blessings na natamo niya kina Ligaya, Dang, Paquito at sa kanilang mga magulang.

“Super, super saya ko po. Wala ng makakapantay sa saya ko na makakapagschool na po ako ulit,” sabi ni Dang.

A post shared by Coco Martin (@mr.cocomartin) on

Matatandaan na na-diskubre ni Coco si Ligaya at Paquito sa Cebu habang si Dang naman ay taga Quezon City. Sabi ng tatlong ina na tunay daw na napabuti ang kanilang buhay simula ng madiskubre ang kanilang mga anak.

Ang tatlong bata ay kasalukuyang naka-enroll sa Angelicum College sa Quezon City at sabik na sabik na silang mag-aral sa Hulyo. Sabi ni Paquito at Ligaya, paboritong subject daw nila ang Sipnayan, habang Filipino naman ang paborito ni Dang.

A post shared by Coco Martin (@mr.cocomartin) on

Tanging hiling lang ni Coco sa mga bata at magulang nila na sana ay paghusayan nila ang kanilang pag-aaral. Pangako naman ng mga bata na mag-aaral sila ng mabuti Nangako naman ang mga bata na tataasan nila ang mga grado nila sa school.

“Mag-aaral po ako ng mabuti at magpapakabuti po ako,” saad ni Ligaya.

Pangarap ng tatlong bata ang maging artista balang araw dahil idol na idol daw nila ang kanilang kuya Coco. Ngunit mariing napilit ng mga ina nila na sana tapusin nila ang kanilang pag-aaral tulad ng Kuya Coco nila na nakapagtapos ng Bachelor of Science Major in Hotel and Restaurant Management.

Leave a comment