Hindi lang pagbibidahan ni Coco Martin ang Ang Panday ngunit ididirehe niya pa ito. Marami ang nakakapansin kung gaano ka tutok si Direk Coco dahil talaga naman pinapaganda niya ito para sa pamilyang Pilipino sa darating na Metro Manila Film Festival sa kapasukuhan.

Ilan sa nakakikita sa dedikasyon ni Direk ay mismong katrabaho niya. Kahit matagal na sila sa industriya ay hindi nila maiwasan mamangha sa mga pagsisikap na ginagawa ni Direk Coco.

Ang Location Manager ng Ang Panday na si Elmer Cruz ay pansin ang pagiging metikuloso at mabusisi ni Direk. Hanga pa nga siya dahil lagi daw una sa set si Direk Coco kahit ala singko pa ng umaga ang datingan.

“Sa pagdidirek niya, metikuloso siya. Lahat ng anggulo, lahat ng props, lahat sa location, pinakakailaman niya… Walang arte-arte. Gusto niya trabaho lang.”

Kwento naman ng Executive Producer Isha Germentil ay madetalye at espesipiko sa gusto niyang kalabasan ng eksena. Inuulit pa nga daw nila ang ibang eksena upang ito ay maging perpekto.

“Si Direk Coco bilang direktor, madetalye. Alam niya yung gusto niya, alam niya yung tinatakbo ng kwento. Alam niya yung gusto niyang emosyon dun sa mga artistang kasama niya.”

Si Malou Crisologo, ang Supervising Producer at katrabaho ni Direk Coco sa nangungunang teleserye sa bansa, Ang Probinsyano, ay tinawag siya na “Director who is a brilliant actor” dahil nagdidirek din si Coco sa kanyang perspektibo bilang aktor.

“Hindi lahat ng direktor tulad ni direk Coco. Plus point talaga that he is a brilliant actor. Not just an actor, he is a very brilliant thinking actor na ngayon ina-apply niya sa pagiging direktor niya.”

Ayon pa kay miss Malou, hindi nakakalimutan ni Direk Coco alagaan ang mga staff at co-actors niya. Gusto niya na maayos ang mga kalagayan nito kahit pa nasa mataong set sila.

https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=1755921334706131&id=1414807242150877

Dagdag pa ni Nancy Arcega, ang Production Designer, na magaganda ang mga kuha nila at masaya dito si Direk Coco. Kaya tunay na kaabang-abang ang Ang Panday sa darating na pasko.

Leave a comment