Hindi lang mag-aaral ng Paradise Farms Elementary sa San Jose Del Monte, Bulacan, ang nasiyahan kundi pati maging mga guro nila. Sa naganap na Saludo Sa Kabataang Pilipino noong August 15, ay malaking tulong ang naiabot ni Coco Martin at Lingkod Kapamilya sa mga mag-aaral.

Nag-pamahagi sila ng school supplies tulad ng notebook at lapis na siguradong makakatulong sa pag-aaral ng mga bata at siyempre binusog din nila ang mga taga Paradise Farms Elementary School.

Nagbigay din ang Hari ng Telebisyon ng maikling mensahe, kung saan hinikayat niyang mag-aral, mag-bigay respeto, at mag-aral ang mga estudyante na talaga namang isinapuso ng mga ito.

Pagkatapos ng naganap na programa ay dumiretso na ang Hari ng Telebisyon sa library ng eskwelahan. Napag-alaman namin na tinulungan niya pa lang gawin ang library na ito. Ayon kay Binibining Cristine Joy Lucas ay kinapos daw sila ng budget para sa library ngunit, sa awa ng Diyos, ay natulungan sila ni Coco.

“Kasi medyo kinapos kami ng budget. Naumpisahan po siya ng tiles kaso lang hindi siya natapos kasi wala na kaming budget. Tinulungan niya (Coco) po kami,”

Kaya naman malaki ang pasasalamat ng mga guro kay Coco na apat na beses ng bumisita sa kanila. Hindi sikreto sa karamihan ng mga pangpumblikong eskwelahan, lalo na sa mga rural na lugar, na kulang-kulang ang mga gamit at mga pasilidad na isa sa nagiging rason kung bakit hindi makapagtapos ang mga mag-aaral.

“Sa dinami-dami ng school, maswerte po talaga sila kasi sila ang napili ni Kuya Coco na bigyan ng gamit,” dagdag pa ni Mam Joy.

At siyempre, tulad ng mga bata ay hindi nagpahuli ang mga guro sa pagkuha ng litrato kasama ang Hari ng Telebisyon. Meron pa nga silang balloons na nagsasabing “Maraming Salamat Kuya Co.”

2 comments

  • Nora Untal- SAN DIEGO .CA USA

    I’m so proud of you COCO Inspite of your fame given attentions to those kids that needed more help you have golden heart that’s is why Lord given you this amazing talent God continue to bless you keep you safe always your fans love YOU❤💛💗

    Reply
  • Aurora

    👍😘💐💐❤️❤️saludo kami.🇨🇦

    Reply

Leave a comment