Hindi napigilan umiyak ni Mirasol Sagarino, Maria Ramos, at Rosemarie Ngujo, ina ni Paquito, Dang, at Ligaya, ng malaman nila na mismong si Coco Martin ang nagpaaral sa kanilang mga anak.

“Grabe umiyak ako. Hindi ko alam kung pano ko ba mapapasalamatan,” saad ni Mirasol.

Sina Dang Ligaya, at Paquito ay ipinasok sa Angelicum College sa Quezon City at mag-sisimula magaral ngayong Hulyo.
Kwento nila, nuong una hindi daw nila alam na tinulungan sila ni Coco dahil ang akala nila, mula sa produksyon ng FPJ’s Ang Probinsyano ang sumagot sa mga bata. Nagulat nalang daw sila ng sinabi ni Hazel Parfan, Executive Producer ng Ang Probinsyano, na si Coco ang nag-magandang luob sa kanilang mga anak.

“Nung sinabi ni Mam Hazel na si Kuya (Coco) ang magpapaaral, hindi po ako nakatulog sa gabi nun. Iniisip ko na ‘bakit sobrang bait ni kuya?’ Parang hindi ko po masasabi kung paano magpapasalamat sa kanya sa ginawa lang niya na pinasok niya si Ligaya sa Ang Probinsyano parang nanaginip lang po ako, ngayon papa-aralin niya po,” saad ni Rosemarie Ngujo.

Dahil dito, malaki ang pasasalamat ng mga ina kay Coco.

“Nagpasalamat kami kay kuya sabi niya ‘Basta mommy tutukan niyo lang yung mga bata sa pag-aaral,’” sabi ni Maria Ramos.
Pangako ng mga ina kay Coco na tutukan nila ang pagaaral ng mga anak nila. Plano nilang turuan ang mga bata kahit nasa set pa ng Ang Probinsyano ang mga ito upang maging mataas ang mga grado nila.

Nagbigay rin si Susan Roces, ang gumaganap bilang Lola Flora, ng kanyang mensahe sa mga bata.

“Sana pagbutihin niyo at gawin niyong inspirasyon ang kuya Coco niyo.”

Pabirong hiling lang ng mga bata sa kuya Coco nila na turuan daw sila ng Math.

2 comments

  • Liza Matulac New Jersey USA

    Good job coco more blessing pa ang darating sa iyo saludo ako sa yo

    Reply
  • Jean Soriano Rigor

    Naiyak ako sa kabutihan mo Idol Coco😭😭😭😭Hindi lng sa mga pelikula at sa mga teleserye mo nkakapulot ng aral ang maraming tao mas higit p ang kabutihan mo sa likod ng camera.Ramdam ko ang mga nanay n sobrang nagpasalmat sayo.Patunay lng na sa kabila ng hirap n dindanas sa buhay ay may nkalaan ang Panginoon at plano sa ating lahat.Sobra aqng nainspire sayo idol saludong saludo aq sayo sa kbutihang loob mo lalo na s mga katulad nming mahihirap.I wish and i pray pag uwi ko sa July makita kita ulit idol dahil nong ngpunta k dto s Hk tlgang hindi ako pinalad na mkadaupang palad mn lng kita.Marming salmat sa mga aral n npupulot nmin sayo.Mahal n mahal ka nminTake care always and i always pray for you..GOD BLESS..

    Reply

Leave a comment