Hataw

Kahanga-hanga ang dedikasyong ipinakikita ni Coco Martin sa paggawa ng kauna-unahan niyang directorial job. Sa ngayon, 50 percent na ng ginagawa niyang pelikulang Ang Panday para sa 2017 Metro Manila Film Festival handog ng kanyang CCM Productions ay tapos na.

Bagamat mahirap ang pinagdaanan ni Coco para magampanan ang pagiging actor at director kasabay pa ng kanyang action-serye sa ABS-CBN2, ang FPJ’s Ang Probinsyano, tumalima ang Primetime King para masunod ang time frame na inihayag niya noon.

Sa mga natapos nang i-shoot ni Coco, kitang-kita ang pagka-pulido ng pagkakagawa nito na kinakitaan pa ng kakaibang execution sa mga eksena. Kitang-kita rin ang ganda at may pusong pagkakahayag ng istorya ng Ang Panday. Ayon sa interbyu sa kanya ng abs-cbnnews, aminado siyang dumaan sa apoy ng pagdidirehe ng Ang Panday dahil hindi naman talaga medaling pagsabayin ang pagiging actor at director.

Aniya, nakakalimutan niya ang pagod kapag romorolyo na ang kamera gayundin ang pagiging artista. Tila nae-enjoy nito ang pagdidirehe na humuhugot ng lakas sa tropa ng premyadong director na si Brillante Mendoza. ”’Yung mga kasama ko po sa indie bilang bagong director kailangan ko po ng gabay nila tulad nina Odie Flores, ate Nancy (Arcega, production designer).”

Sinabi rin ni Coco na madalas siyang makipag-text at makipag-tawagan kay Direk Brillante para humingi ng advise.

2 beauty queen ang leading lady

Samantala, naikuwento naman sa amin ni Eric John Salut, ngDreamscape Entertainment, na kompirmadong 80 katao ang bumubuo ngAng Panday. Kaya ito na yata ang pinakamalaki at engrandeng entry sa filmfest.

Kaabang-abang tuloy kung sino-sino ang bubuo sa 80 cast ng Ang Panday. Bukod kasi sa naipakilala na ni Coco ang ilang artistang bubuo ng kanyang first directorial job noong story conference, gayundin ng kanyang leading lady, sinabi nitong may isa pa silang kukuning beauty queen para idagdag sa magiging leading lady niya.

Dagdag ni Coco, bukod sa websites na ginawa nila, magkakaroon din sila ng games.

Espada, gawa ng Pozzorubio

Ipinakita rin sa interbyu ni Mario Dumaual kay Coco ang gagamiting espada ng actor na mula rin pala sa ginamit na karakter ni Fernando Poe Jr., na si Flavio.

Isang modernong version ng espada ang gagamitin ng apo ni Flavio na isasabuhay nga ni Coco.
Ayon kay Arcega, Ang Pozzorubio sword maker ang gumawa ng mga gagamitin nilang espada at ito ang kausap nila.

1 comment

  • Malou Cuerdo

    For all the hardship Im sure u gonna take it to the Top!
    God bless Baby Boy!!!

    Reply

Leave a comment