By Ervin Santiago
Bandera

NANANATILI pa ring numero uno sa lahat ng primetime shows sa telebisyon ang FPJ’S Ang Probinsyano ni Coco Martin. Hanggang ngayon, hindi pa rin bumababa sa 40% ang nakukuhang rating nito gabi-gabi.

Nitong May 30, nakapagtala ng 42.8% ang Primetime Bida series ni Coco, ito ‘yung episode kung saan mas tumindi pa ang mga maaksiyon at kapana-panabik na eksena nina Cardo (Coco) at ng mayor na sangkot sa kung anu-anong ilegal na gawin. Inaasahang mas tataas pa ang mga numero ng Ang Probinsyano sa mga susunod na episode dahil unti-unti nang natutumbok ng tropa nina Cardo ang mga sindikato.

Bukod sa maaaksyong eksena nina Coco, Maja Salvador at John Prats, patok na patok pa rin sa mga manonood ang mga emote nina Makmak (Aura) at Onyok. In fairness, talagang inaabangan ng viewers ang mga nakakatuwang eksena ng dalawang bagets, lalo na kapag kasama nila si Coco.

Sa isang panayam sa nag-iisang Teleserye King, mas inspirado sila ngayon sa Ang Probinsyano dahil sa magagandang komento na natatanggap nila mula sa mga manonood at sa mga netizens. At mas lalo pa silang naliligayahan kapag kino-congratulate sila ng mga pulis at sundalo dahil nga sa kanilang pagtataas sa imahe ng PNP.

Source: http://bandera.inquirer.net/123263/ang-probinsyano-ni-coco-itinaas-ang-imahe-ng-mga-pulis

Leave a comment