By Ervin Santiago
Bandera

ABANGAN ang award-winning actress at Hugot Queen na si Angelica Panganiban na muling patutunayan ang galing sa pag-arte sa pagsabak niya sa nangungunang teleserye sa bansa na FPJ’s Ang Probinsyano. Gaganap si Angelica bilang si Martha, isang babaeng sangkot sa lumalalang kalakalan ng droga sa bansa. Bukod kay Angelica, isang bagong karakter din ang dapat abangan sa pagpasok sa serye ni Nikki Valdez bilang si Analyn.

Hindi lang ang mga panibagong karakter ang dapat tutukan kung hindi pati na rin ang mga maaaksyong tagpo ng serye dahil ang ilan sa mga eksenang ipalalabas ngayong linggo ay kinunan pa sa Hong Kong. Anong panganib nga kaya ang hatid nina Martha at Analyn sa buhay ni Cardo (Coco Martin)? Sila nga kaya ang tunay na kalaban ni Cardo?

Sa nakaraang episode, nagtagumpay ang grupo ni Cardo na iligtas si Lola Kap (Susan Roces) sa kamay nina Mayor (Victor Neri). Ngunit mukhang nangangamoy selosan dahil nakita ni John kung paano mag-alala si Maja kay Coco. Huwag palampasin ang mga maaksyong tagpo sa Ang Probinsyano, gabi-gabi sa ABS-CBN. Kasama pa rin siyempre sa serye sina Maja Salvador, John Prats, at siyepre ang paborito ng bayan na sina Onyok at Makmak.

Source: http://bandera.inquirer.net/123635/123635

Leave a comment