by Nonie Nicasio

Masayang ikinuwento ni Arjo Atayde na solid ang samahan ng cast ng Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Ka-close nga daw niya si Coco, “Parang older brother na nagbibigay ng advice, tumutulong…

“Iyong tipong, ‘Mas maganda ito, parang mas maganda kung pupunta yung story dito.’”

Since creative consultant rin si Coco ng teleserye nila, hinahangaan ni Arjo kung gaano kabusisi ang aktor sa mga detalyeng makakapagpapaganda pa sa istorya.

“Mayroon siya minsang thoughts na, ‘Sige, i-change natin yung eksena, parang mas maganda… eto na lang aatake natin.’

“Sa isip-isip ko, may point naman ang sinasabi niya all the time.

“So adjust kami sa isa’t-isa and nagwo-work yung eksena, napakagaling ni Coco!”

Nakakahawa ba ang galing ni Coco kapag kaeksena niya ito?

“Lahat sila nakakahawa rito,” tugon ni Arjo.

“Sina Tito Eddie Garcia, Albert Martinez, si Ms. Agot [Isidro], Coco, Tita Susan [Roces], lahat sila ay magagaling talaga.

“All of them… kapag kumonek ka, they’ll hit you up with emotions as well.

“Also the CIDG boys, the thing is masaya kami lahat because work is work, fun is fun.

“Lahat sila ganoon, kaya masaya kapag nagtatrabaho kami,” nakangiting saad pa ng anak ni Sylvia Sanchez.

LAUGH TRIP. Exclusive na nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Arjo sa kanilang tahanan sa White Plains, Quezon City, kamakailan.

Sa kuwento niya, kung napapanood sila sa TV na intense at kargado sa bakbakan ang mga eksena nila, off camera raw ay sobrang masaya sila sa set.

“Solid, solid talaga, laugh trip talaga,” nakangiting lahad ni Arjo.

‘Pag kumpleto kami parang… yung mga boys, parang hindi kami nagtatrabaho.

“Kahit ngayon, I’m going to say I look forward to going to work kasi alam mong puro kalokohan lang yung pag-uusapan.

’Tapos kapag nag-take, nakakatawa kasi sobrang seryoso ng mga tao…

“Yung front, yung mga character namin sa Ang Probinsyano, obviously that’s the character we have…

“Pero yung behind the scenes, sobrang nakakatawa iyon.

“Minsan pag yung eksena simple lang, doon kami tawa ng tawa, masaya siya, e.

“At saka masaya kami na magkakasama, very bonded.”

Anong masasabi niyang sikreto sa mainit na pagtanggap ng viewers sa kanilang primetime series?

“Sikreto? Tingin ko ay parehas lang kaming lahat ng gustong gawin.

“Ang magbigay inspirasyon sa mga tao… magbigay aral sa mga kabataan.

“So it’s the same thing, same goal for all of us.”

Source: http://www.pep.ph/guide/tv/25014/arjo-atayde-describes-coco-martin-as-tv-show-creative-consultant?ref=latest

Leave a comment