CocoMartin_TrainingWithProbinsyanoCast

SA PAGSASAMA ng dalawang mahusay na actor na sina Coco Martin at Arjo Atayde sa pinakabagong teleserye sa ABS-CBN na mula sa pelikula ng The King Fernando Poe, Jr., na Ang Probinsiyano, hindi maiwasang maikumpara ang galing sa pag-arte ng dalawa.
Maaalalang parehong award-winning actor ang dalawa at parehong hinahangaan ng mga manonood pagdating sa galing sa pag-arte sa kani-kaniyang mga proyektong ginawa.

Kaya naman maraming nag-aabangang sa Ang Probinsiyano, dahil dalawang de kalibreng actor ang magsasama sa katauhan nina Coco at Arjo, bukod pa sa ibang equally mahuhusay na artistang kasama rito.

Pero nang makarating ito kay Arjo, may pakiusap itong ‘wag silang pagkukumparahing dalawa pagdating sa pag-arte, dahil mahusay raw talagang umarte, bukod sa marunong makisama si Coco, at iba naman daw ang istilo ng kanyang pag-arte.

John’s Point
by John Fontanilla

Source: http://www.pinoyparazzi.com/arjo-atayde-saludo-sa-pag-arte-at-pakikisama-ni-coco-martin/

Leave a comment