SHOWBIZ NEWS NOW NA! Ni Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) | Updated March 24, 2016 – 12:00am

Patuloy na namamayagpag sa ratings ang teleseryeng Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin. Ayon sa aktor ay marami pang dapat abangang mga eksena ang mga manonood ng kanilang programa. “Nakakatuwa kasi nakakapagbigay kami ng inspirasyon sa mga manonood. Marami pa kaming problema o mga kaso na tatalakayin dito. Marami pang artista na magge-guest kaya nakakatuwa. Kasi ibang experience ang naibibigay namin sa aming manonood,” nakangiting pahayag ni Coco.

Napahanga raw ang aktor sa pagiging magaling na artista ni Anne Curtis na napabilang na rin sa nasabing serye kamakailan. “‘Yung experience na nakatrabaho ko siya, hindi ko inakalang gano’n siya ka-professional. Napakagaan niya katrabaho at napakagaling niyang artista. Ngayon lang kami nagkatrabaho, hindi ko alam na sobrang gaan, hindi ko ma-explain. Walang kaarte-arte sa katawan, on time dumarating. Tapos halos hindi nagme-makeup, nakatutok sa set. Nag-usap kami, sabi ko, ‘Bakit ngayon lang tayo nagkatrabaho?’ Nando’n ‘yung working ethics na sobrang nakaka-proud at nabilib ako sa kanya,” pagbabahagi ni Coco.

Samantala, ngayong Holy Week break ay wala raw ibang planong gawin ang aktor kung hindi ang makasama ang pamilya sa kanilang bahay. “Bahay lang kasi ‘pag umaalis kasi ako, nag-a-abroad, napapagod ka lalo eh. Siguro ito talaga ‘yung time para makapagpahinga ka at maka-bonding ang pamilya,” paliwanag niya.

Source: http://www.philstar.com/psn-showbiz/2016/03/24/1566048/ayaw-mapagod-coco-mas-piniling-mamahinga-kaysa-mag-abroad

2 comments

  • Virginia Lucht

    Tama na magpahinga ka coco kc kailangan mo yan anak baka magkasakit ka pero kahit malayo ako bilang fan mo kasama naman kita sa prayer ko na palagi kang ingatan ng ating panginoong Jesus dto kc ako nakatira sa germany sana makita na kita sa pag uwi ko sa pinas IDOL NA IDOL KC KITA

    Reply
    • Coco Martin

      Thanks for the comment!

      Reply

Leave a comment