Newsko

BUMUHOS ang pagbati sa mga nakapanood ng rough edit ng Ang Panday, first directorial job ni Coco Martin para sa kanyang CCM Productions at entry sa 2017 Metro Manila Film Festival.

Ayon sa mga nakausap namin na nakapanood na ng Ang Panday, makapigil-hiningi ang mga action scene at kahanga-hanga ang mga camera work na ginawa ni Coco.

At ‘yung sinasabi ni Coco sa mga interbyu sa kanya na puso ang ginamit niya sa pagdidirehe ay makikita sa pelikula.

Bukod sa mga matitinding action scene, marami ring tagpo na comedy kaya naman tiyak na sasakit ang mga tiyan ng sinumang manonood.

Hindi pa man tapos 100 percent ang Ang Panday, marami na ang bumati sa magandang pagkakadirehe nito. Tunay na may gustong patunayan si Coco bilang director!

1 comment

  • Virginia Lucht

    Magaling kang Artista ,kaya Alam ko rin na magaling ka rin Director keep it up idol anak god bless ipag pepray kita anak idol na palagi kang Ingatan ng Diyos at masundan pa ng maraming pilikuka ang ccm Production Ang Panday take care anak sana makita na Kita ,layo mo kc nasa pinas ka at nasa Germany ako

    Reply

Leave a comment