Bagong Titik

Ginagabayan pala ng award-winning idirector na si Brillante “Dante” Mendoza ang kasalukuyang Hari ng Pelikula at Telebisyon na si Coco Martin sa una niyang directorial job para sa pelikulang ‘Ang Panday,’ na official entry sa Metro Manila Film Festival 2017. Ito ang inamin mismo ni Coco sa interview sa kanya ni Mario Dumaual para sa ABS-CBN News.

Bukod kay Direk Brillante, na nagbigay ng break kay Coco noon sa indie movies, ay katulong din niya ngayon sa production ng ‘Ang Panday’ ang ilan sa mga nakatrabaho niya sa indie noon. “Bilang isang bagong direktor, kinakailangan ko po ng mga gabay nila. Like si Direk Dante po, kadalasan po nagtetext siya sa akin, nagtatawagan kami, and then humihingi po ako sa kanya ng advise,” sabi ni Coco.

Tulad ng espada ng Panday na idinadarang sa apoy, pakiramdam ni Coco ay nadarang din siya sa apoy habang pinapanday niya ang sarili sa pagiging direktor. Sineseryoso talaga niya at focus siya sa pagdidirek ng ‘Ang Panday,’ na mahigit sa kalahati na ang nasu-shoot nila. “Minsan nga ‘yung pagod nakakalimutan ko na e, pag rumorolyo na ‘yung pagiging artista.”

Sa special effects at sa laki ng cast na sa huling bilang ay umabot na ng 80, ang ‘Ang Panday’ ang pinakaengrandeng MMFF 2017 entry.

Ang Binibining Pilipinas International 2017 na si Mariel de Leon ang leading lady ni Coco. Pero may bago pang rebelasyon ang Primetime King. “May kukunin pa kaming isang beauty queen.”

May pasabog pa si Coco na magkakaroon ng website at game apps ang ‘Ang Panday.’ Ipinasilip din ni Coco ang mga espadang tampok sa pelikula. Kabilang dito ang espadang ginamit ng karakter ni Fernando Poe Jr. na si Flavio, hanggang sa modernong bersyon na gagamitin ng apo nito, na gagampanan naman ni Coco.

Samantala, patuloy si Coco sa paghahari sa primetime dahil sa kanyang undisputed number one teleseryeng ‘FPJ’s Ang Probinsyano.’Patindi nang patindi nga ang mga kaganapan sa FPJAP.

Namatay na ang mga karakter na ginagampanan nina Aljur Abrenica, Jestoni Alarcon, at Paul Alvarez. Isa-isa ngang pinasalamatan ni Coco ang tatlo sa kanyang Instagram sa pagiging bahagi ng mga ito ng FPJAP. May espesyal na mensahe pa siya para kay Aljur. “Tol maraming maraming salamat sa pagsuporta mo sa FPJ’s Ang Probinsyano!!! Good luck and welcome sa ‘yo.”

Paano kaya haharapin ni Cardo (Coco) ang iba pa niyang mga kalaban?

Mula sa produksyon ng Dreamscape Entertainment Television, ang ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ ay mapapanood mula Lunes hanggang. Biyernes pagkatapos ng ‘TV Patrol’ sa ABS_CBN Primetime Bida.

1 comment

  • Anjie

    ,,,Good luck idol…alam po nmin n kakayanin nio yan dhil sUbrAng gAling nio pO!!! Kau lng ang nangunguna sa pusO nmin….d2 lng po Kmi likuran nio n laging sumusuporta x inyO hanggang x dulo ng buhay mo…sna hindi K po magbago..at sna Marni pang blessings n darating sau para mas marami PA po kayong matulungan… God bless you po.and mOre pOwer. Love u po!!!!!😘😘😘😘🙏🙏🙏

    Reply

Leave a comment