SHOWBIZ NEWS NOW NA! Ni Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon)

Nangangarap si Nash Aguas na maging direktor balang araw kaya kumukuha siya ng kursong Film Making sa Meridian International College sa McKinley Hill. First year college na ang aktor ngayon. “’Yon po talaga ang gusto kong gawin. Pangarap ko kasi talagang maging director since bata pa. So gusto ko talagang mag-aral,” bungad ni Nash.

Ayon sa binatilyo ay ang batikang direktor na si Toto Natividad ang nagbigay sa kanya ng ideya upang maging direktor din.

Kapag naging isang ganap na direktor ay gustong makatrabaho ng aktor si Coco Martin. “Kasi no’ng nagkita po kami sa ending ng Bagito sa Dreamscape party, sinabi ko sa kanya na magdidirektor ako. Sabi niya, ‘Uy! Maganda ‘yan.’ Tapos sabi niya, meron daw siyang kino-conceptualize actually na project para sa aming dalawa na parang magkapatid (ang istorya), pero kapag hindi raw ‘yon natuloy, sabi niya, ‘Gusto ko maidirek mo ako. Magkatrabaho tayo, pero director ka,’ parang gano’n. No’ng naging young Coco po ako noon, gusto na naming magkatrabaho ulit na hindi naman daw ako ‘yung young Coco. Kaya sobrang natutuwa po ako na gusto niya ulit akong makatrabaho,” pagdedetalye ni Nash.

Source: http://www.philstar.com/psn-showbiz/2016/08/22/1615883/coco-gustong-magpa-direk-kay-nash

Leave a comment