by Pilar Mateo

Dubbed idol ng masa, Actor Coco Martin found time to meet with his entertainment friends from showbiz to thank each one personally and to update us with his next plans in his career.

The actor known now for the humbleness he continues to practice for over a decade now (being in the business for 15 years), was two hours ahead on the venue (Victorino’s Restaurant).

“Ayoko kasi nale-late ‘My (Mommy) kasi alam ko kung gaano ka-importante ang oras sa lahat sa atin,” said Coco matter-of-factly while sipping his tea.

He was like a king waiting for his guests to arrive. But a king waiting for his guests to share in the feast that his life has been blessed with.

Some were really seizing him up. For more than 30 awards up his sleeve, where is Coco in the industry now?

“Wala akong sasabihing personal na favorite o award na pinaka-malapit sa puso ko kasi lahat ng tinanggap ko, whether ang mga kasama konsa industriya, ang press, mga guro at iba pang mga award-giving bodies ang nagbigay eh espesyal para sa akin. Malaking bonus ‘yun sa trabahong ginawa ko.“

FPJs “Ang Probinsyano” is not ending just yet!

“Ang nasabi ko po noon, for the next three months, until December of 2016 eh, hindi na patutulugin ng show ang mga tao kasi mas magiging maigting na ang mga eksena. Nakulong ako. Nakatakas na ngayon. At kung bakit sa hindi naman sinasadyang pagkakataon, ‘yun naman ang siyang nangyari sa tunay na buhay sa nasa balita ngayon. Hindi po maganda pero ‘yun ang naipapakita namin sa takbo ng istorya ngayon.”

“Yung tinanong mo ‘My tungkol sa pagpasok ng bata (Onyok) sa kulungan, may istorya ‘yung naging pagdalaw niya sa akin kaya may nangyari at hindi na rin siya nakalabas.”

“Sa mga susunod na gabi, makikita na ang paghahanap namin ng masusulingan ni Onyok. Naisip ko naman na sa halip na ang ibang mga bansa ang ipakita namin sa show, mas maganda siguro na simulan naman namin na ipakita ang mga iba’t ibang lalawigan sa atin at kung ano’ng istorya meron sila. Hindi naman kailangang ‘yung negative side. Kaya pupunta kami ni Onyok sa Cebu. At para rin makatulong sa mga local talents nila, kukuha kami ng mga talents doon, alongside with the artists na binibigyan namin uli ng chance na maka-arte uli.”

Who is Coco, really? Apart from the craft he’s sharing with his fans, there is that innate goodness on the guy who still has the time to look for good things to do to his fellowmen.

“Naging OFW din ako kasi. Nung nag-janitor, nag-waiter ako sa Canada. Ang tatay ko naging OFW din sa Korea. Kaya alam ko ang hirap ng mapalayo sa pamilya at doon ko naintindihan ang kung ano ang maging homesick. Kaya bilang papupugay sa kanila, hinanap namin ang isang OFW sa Saudi Arabia na taon na ang binilang na hindi makauwi-uwi sa pamilya niya dahil hino-hold ng amo niya ang pag-uwi niya. Tapos, nagsu-show ako ng libre sa iba pang mga bansa. Sabi ko, kung magpapabayad sila sa tao, hindi na ako magsu-show dahil alam ko kung paano paghirapan ng mga OFW ang mga kita nila.”

There is no secret on how to be Coco. His faith in the Lord has never wavered. And it is the Black Nazarene who he believes is the reason why these showers of blessings are endless.

“Ang una kong dasal noon sa Nazareno eh, bigyan ako ng kahit anong trabaho abroad. Na nangyari naman at naging janitor ako sa Canada. Nung bumalik ako dahil hindi ko nga nakayanan ang buhay doon, nag-balik Indie naman ako.“

“Ginagawa namin ang “Tirador” noon kay Direk Brillante Mendoza, humahabol ako ng mga magnanakaw sa Quiapo sa eksena pero deboto ako ng Nazareno. Ang eksena ko hahawakan ko siya sa piyesta ng Quiapo. Nung ihahagis na ako di akalain na mahahawakan ko siya. Parang nasa kumunoy ng tao ako. Sabi ni Direk itaas ko ang kamay ko para nakalabas ako. Nung i-preview, na-cover-an ako sa kuha kaya kelangan ihagis uli ako. Nung bumagsak ako hindi ko na nahawakan. Akala ko hindi ko nahawakan. Pero sabi nila sa akin nahawakan ko ang Nazareno!”

“After that nagdere-derecho ang trabaho ko. Gumaan na ang buhay ko sa Indie. Naging regular na ang trabaho. Kapag may natapos may pumapalit agad. Nabigyan ng katuparan ang mga hiniling ko.“

“Kaya naman ngayon, every fiesta ng Poong Nazareno, I make it a point na pumunta ako. Sa Lunes pupunta ako kung maiimbitahan uli para magsalita. Noon sumisimba talaga ako. Ganon talaga. Kailangan mo gumawa ng mga sakripisyo. May mga bagay tayo na di inaasahang mangyari dahil sa dami ng tao. Kaya naalala ko nung gawin namin dati ‘yung eksena sa “Tirador”. Tinanong ko pa ang sarili ko kung kaya ko ba ‘yan? Ang alam ko may namamatay talaga kapag nag-stampede na. O may nahuhulog sa imburnal. At doon ipinapakita ng mga tao na ‘yun kung gaano sila ka-devoted sa Nazareno. Ang maipapayo ko lang ngayon, sa mga papasan o sasama sa Traslacion, sana magkaroon ng mapayapa at masaya na fiesta. Na nandun ang mga tao para magmahalan, para sumamba at mag-bigay pugay sa Poon. Ang paniwala naman ng marami kahit ‘yung lubid ang mahawakan mo okay na. Hindi nanan kelangan na kelangan na mahawakan siya. Ang debosyon ang mahalaga!”

I have seen stars come and go. I have seen and worked with the acrion stars with the same mold as Coco-Ace Vergel, Rudy Fernandez, Phillip Salvador and the King of Philippine Movies-FPJ, Coco’s idol!

He is them rolled into one! The faith, the dedication, the goal to help his fellow artists-a conduit for the industry to prosper.

To be the leader of the Actors Guild is none position being offered to him by his fellow artists for the longest time.

“Hindi ko pa kaya. Gusto kong gumawa ng isang bagay na kaya ko na at mapapangatawanan.”

And is his heart not ready for love yet?

“Hindi pa rin sa ngayon that I am 35. By 40. Na ang lahat ng hiniling ko sa Diyos ay nagawa ko na. Kasi hiningi ko ang lahat ng ito kaya ayokong mapabayaan.“

Source: http://www.psr.ph/index.php/25394/

Leave a comment