(from PUSH | Gary Ann Lastrilla)

Sa Rated K, kinwento ni Ang Probinsiyano star Coco Martin kung paano niya nadiscover ang dalawang new child stars na kasama sa serye niya.

January diumano nang mag-taping ang Ang Probinsiyano sa Cebu at dito ni Coco namataan si Ligaya at Paquito. “Ang una kong nakita si Ligaya kasi yung ngiti ni Ligaya, pag nakangiti siya, siya yung mapapansin mo sa lahat ng bata. Sabi yun kunin mo yun yung may kulay ang buhok.”

Matapos nito, ani daw ni Coco, “kailangan nating mag-hanap ng kalaban ni Onyok. Tapos nakita ko yung isang bata ang tapang-tapang, ang liit-liit inaaway yung mga kalaro tapos medyo malaki ang mata.”

Nang makuha nga ang dalawang bata, tinanong sila ni Coco kung gusto nilang mag-artista at gustong-gusto naman ng dalawang bata. Pagpapatuloy ni Coco, “tapos yun tinuruan ko na. Kumbaga, on the set winoworkshop ko na.”

Bukod kay Ligaya at Paquito, child star rin ng show si Dang.

Sino nga ba sina Dang, Ligaya, at Onyok bago sila maging artista? Si Dang ay pang apat sa limang magkakapatid at pangarap niya maging artista para makatulong sa paghihirap ng kanyang pamilya. “Kasi minsan po wala po kami makain. Tapos si Papa po, gabing-gabi na umuuwi tapos pag-uwi niya po wala po kaming ulam.”

Si Ligaya naman ay lumaki sa isang isla at hindi na niya nakilala ang kanyang tatay. Ang nagpalaki sa kanya ay ang kanyang lolo. Ang ina naman ni Ligaya ay kinailangan umalis at mamasukan bilang yaya sa Cebu. One year old pa lang nang umalis ang Ina ni Ligaya at iwan siya para mag-trabaho. Malungkot rin si Ligaya dahil pumanaw na ang kanyang lolo noong September 2016, at hindi na nito nakita ang pagiging artista niya.

Totoong astig naman sa kalye si Paquito at ang nagturo daw sa kanyang sumuntok ay ang tatay niya. Nakakulong ang tatay ni Paquito at ayon kay Paquito, “Sasabihin ko sa kanya wag na siya uulit yun, pag nakita ko siya uulit yun, susuntukin ko siya.”

Source: http://push.abs-cbn.com/features/78111/coco-martin-shares-how-he-discovered-ligaya-and-paquito-in-cebu/
*Photos from Coco Martin Instagram Account and Rated K

Leave a comment