By Alex Brosas / Bandera (featured image from @cocomartin_ph)

IT’S Christmas time at muli na namang pinasaya ni Coco Martin ang mga kabataan when he and his team mounted “FPJAPPaskongPasasalamat.”

Dumayo pa si Coco sa Sa Jose del Monte, Bulacan para mamahagi ng regalo sa mga mag-aaral ng Paradise Farm Elementary School.

We’ve seen some photos posted by Dreamscape’s Eric John Salut at kitang-kita sa mukha ng mga estudyante ang kasiyahan. Talagang nag-effort ang team ni Coco (FPJ’s Ang Probinsiyano) para lang pasayahin ang maraming estudyante.

Parang panata na yata ni Coco ang gift-giving taun-taon. Ang napansin lang namin, talagang puro schools ang kanyang pinupuntahan sa kanyang gift-giving activities at puro estudyante ang kanyang pinapasaya.

We know now why Coco is blessed. Marunong kasi siyang mag-share ng kanyang blessings. Hindi siya katulad ng ibang big stars na walang pakialam sa ngalan ng charity.

No wonder, humahataw palagi sa ratings ang teleserye niya. Sa Metro Manila ay umabot sa 40% ang rating ng Ang Probinsiyano laban sa 23.7% ng Encantadia.

Source: http://bandera.inquirer.net/139733/coco-nag-ala-santa-claus-sa-mga-batang-taga-bulacan

Leave a comment