Abante

Nag-umpisa kahapon ang Filipino tradition na Simbang Gabi at para sa mga hirap na bumangon sa umaga para magsimba, ma­laking tulong ang live telecast ng Simbang Gabi mula sa chapel ng ABS-CBN.

Nagsimula ng 4 a.m. at natapos ng 5 a.m. ang Simbang Gabi sa telebisyon ng Kapamilya Network.

Ang ABS-CBN executives na sina Gabby Lopez, Carlo Katigbak, Bobby Barreiro at Cory Vidanes ang ilan sa mga dumalo sa unang araw ng Simbang Gabi sa Kapamilya Network chapel.

Pinuri ng officiating priest sa homily nito ang Just Love Christmas theme ng ABS-CBN ngayong 2017 dahil tanging ang pagmamahal ang kailangan ng buong mundo.

Nang sabihin ng pari na “We can hope in God alone for He is faithful to His promises,” ang eksena ng big fight scene nina Coco Martin at Jake Cuenca sa Ang Panday ang pumasok sa isip namin.

Kahit may kapangyarihan ang balaraw na hawak ni Flavio Batungbakal, ang karakter na ginampanan ni Coco, ang Diyos pa rin ang kanyang na­ging pag-asa, tinawag at hiningan niya ng tulong dahil natatalo na siya ni Lizardo, ang kampon ng kadiliman na binigyang buhay ni Jake.

At dahil likas na madasalin at buo ang pananalig sa Diyos, hindi nakaligtaan ni Coco na maglagay sa Ang Panday ng mga religious scene tulad ng sama-samang pakikinig ng misa ng pamilya ni Flavio sa Quiapo Church.

Mapapanood din sa Ang Panday ang makasaysayan na simbahan ng Pakil, Laguna na naging bahagi ng buhay ni Coco dahil ginamit na location sa defunct primetime show niya sa ABS-CBN noong 2013, ang Juan dela Cruz.

Leave a comment