‘SPG’ kumita na ng P246-M sa loob lang ng 5 araw

Bandera

UMABOT na sa P246 million ang kinita ng “The Super Parental Guardians” sa loob lang ng limang araw. Ito ang in-announce ni Vice Ganda kahapon sa It’s Showtime.

“Gusto ko lang i-share sa inyo na after five days ay naka P246.9 million na po tayo, 246.9 million worth of love. Maraming, maraming salamat po,” ani Vice.

Ang “The Super Parental Guardians” na rin ang may hawak ng pinakamataas na opening gross ng isang Pinoy movie sa kasaysayan ng Philippine cinema with P68 million on its first day of screening noong Wednesday.

Kasama rin sa movie ang Teleserye King na si Coco Martin at ang dalawang pambatong child star ng Kapamilya Network, sina Onyok Pineda at Awra Briguela.

Speaking of Coco Martin and Onyok Pineda, todo bonding pala ang dalawa sa Dubai nitong nakaraang weekend kung saan ginanap ang thanksgiving tour ng seryeng Ang Probinsyano.

Ang nasabing tour ay bilang pasasalamat ng ABS-CBN sa lahat ng Pinoy sa buong mundo na sumusporta sa Ang Probinsyano. Ito rin ang magsisilbing regalo ng Kapamilya station para sa ika-20 anniversary ng TFC sa Middle East.

Kasama nina Coco at Onyok sa Dubai tour sina Pepe Herrera at Yassi Pressman na ginanap sa Al Nasr Leisureland.

Pagkatapos ng show, sinulit din nina Coco at Onyok ang kanyang bakasyon sa Dubai, partikular na pinuntahan ng dalawa ang desert safari roon.

Source: http://bandera.inquirer.net/138699/coco-onyok-super-enjoy-sa-desert-safari-ng-dubai

Leave a comment