By Dondon Sermino

Mula sa komprehensibong pagbabalita hanggang sa maka­buluhan at values-­oriented na mga prog­rama, ABS-CBN ang mas tinatangkilik ng mas maraming kabaha­yang Pilipino noong buwan ng Hulyo sa pagta­tala nito ng national audience share na 47% kontra 32% ng kalaban, base sa datos ng Kantar Media.

Kalahati rin sa total Philippine households ang nakatutok sa Primetime Bida ng ABS-CBN matapos itong pumalo sa national audience share na 50% o 20 puntos ang lamang sa kalaban.

Namayagpag din ang ABS-CBN sa lahat ng time blocks nationwide noong Hulyo. Wagi ang ABS-CBN sa morning block (6AM to 12NN) sa audience share na 42% vs 33% ng kalaban, sa noontime block (12NN to 3PM) 45% kontra 33% ng kalaban, at sa afternoon block (3PM to 6PM) na 47% audience share vs 32% ng kalaban.

Nangunguna pa rin sa pinakapinapanood na programa ang FPJ’s Ang Probinsyano na may average national TV ra­ting na 43.1%. Tinalo ng makabuluhan na mga kwentong handog ni Cardo (Coco Martin) sa mga manonood ang bago nitong kalabang Encantadia (19.9%).
Sinundan naman ito ng The Voice Kids (36.9%) at Wansapanataym (34.2%).

Ganun din ang nakakakilig na Dolce Amore, na pang-apat na pwesto sa average national TV rating na 33.6% kontra sa Koreanovela na Descendants of the Sun na 15.7%.
Number one pa rin ang TV Patrol (32%), at pasok din ang Rated K at SOCO na pumalo ng 23.3% at 19.5%.

Wagi rin ang Minute to Win It, 17.3% kumpara sa Wowowin na 14.5%.
Kabilang din sa top 20 ang MMK (33.5%), Home Sweetie Home (25.7%), Goin Buli­lit (24%), Ipaglaban Mo (19.8%), TV Patrol Weekend (19.6%), It’s Showtime (Saturday) (19.4%), It’s Showtime (Weekdays) (18.5%), Doble Kara (18.2%), Tubig at Langis (17.3%), Born for You (17.3%), at Be My Lady (17.2%).

Source: http://www.abante.com.ph/coco-voice-kids-dolce-amore-waging-wagi-sa-ratings.htm

Leave a comment