By Glenn Regondola

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram ay pinasalamatan ng TV host na si Korina Sanchez ang kapwa TV host na si Willie Revillame at ang magaling na aktor na si Coco Martin.

May kinalaman ang pasasalamat ni Korina sa suportang ibinigay ng dalawa sa kanilang kampanya laban sa cruelty sa mga animal.

Nagbigay ng donasyon sina Coco at Willie upang makatulong sa mga animal welfare groups na bantayan ang mga umaabuso sa mga animal kung saan ni-raid ng mga ito ang slaughterhouse na pumapatay ng mga ito.

Bunga ng raid na ito, dalawang restaurant owners ang nakulong matapos mapatunayang nagsi-serve ito ng dog meats bilang bahagi ng menu ng kanilang resto business.

Kung matatandaan, considered na isang hot meat ang karne ng mga aso under RA 10536 o ang Meat Inspection Code.

Ayon nga sa post ni Korina, “These our new heroes – Superstar Coco Martin and Willie Revillame.

“Coco is a certified dog lover while Willie is a supporter of most advocacies that are good.”

“Both donated to sponsor the movement against slaughters and against restaurants that still serve dog meats- which is AGAINST THE LAW.”

Marami nga ang pumupuri sa dala­wang celebrities na ito dahil sa maganda nilang adhikain, na ang pakiusap nga ng maraming netizens ay sundan din ng mga taga-showbiz.

Oo nga naman!

Source: http://www.abante.com.ph/coco-willie-bayani-ng-mga-hayop.htm

Leave a comment